Bubuhaying muli ang Metropolitan Theater (MET)
January 17, 2004 | 12:00am
Nagulat ako nang tawagan ako ng Malacañang para imbitahan na maging witness sa pagpirma ng agreement sa restoration ng Metropolitan Theater (MET) na matatagpuan sa Lawton, nasa kaliwang bahagi kapag patungo ka ng Manila City Hall.
Sa tulong ni Manila Mayor Lito Atienza, GSIS at National Commission of Culture and Arts (NCCA), inaasahan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na muling mabubuhay ang nasabing tanghalan at mapapanooran ito ng mga magagandang palabas na tulad nung araw.
May nag-suggest sa Pangulo na gawin itong parang Chinese Grauman Theater sa Hollywood at lagyan ng mga pangalan ng mga artista ang harapan ng MET, mga pangalang sumikat sa tanghalan, gaya nina Atang dela Rama, Katy dela Cruz, Pilita Corrales, etc.
Na-touch naman ako nang sabihin ni PGMA na ako ang naalala niya kapag nababanggit ang MET dahil sa kakulitan kong maipa-renovate ito.
Sana nga, magawa agad ito. Sana.
Ang saya-saya ko na naman dahil kahit papaano ay nagawa ko na namang ipagdiwang ang anibersaryo ng dati kong programang Thats Entertainment. Kung nagtuluy-tuloy pala ito ay nasa ika-18 taon na ang programang ito na ginawa ko para sa mga gustong mag-artista, yung mga kabataan na may hilig, para dito nila ibaling ang kanilang atensyon sa halip na sa masasamang bisyo.
Maaaring di ako maintindihan ng marami, at sabihing nag-iilusyon ako sa nawalang programa pero masisisi ba nila ako, eh totoo namang gumawa ng malakas na impact ito sa showbiz. At sa aminin nila o hindi, sa programang ito natuklasan ang napakaraming artista na pinakikinabangan pa hanggang ngayon ng lokal na showbiz.
Happy naman ako dahil sumipot ang makulit pa ring si Janno Gibbs, ang sikat na ngayong si Kyla, si Jean Garcia, Isabel Granada, Lotlot at Ian de Leon, Simon Soler at marami pa. Nag-phone patch din sina Billy Crawford, Caseylin Francisco at si Neil Eugenio ng dating Monday group na ngayon ay isa nang malaking negosyante sa Australia.
Marami pa sila na ayaw ko nang isa-isahin at kung hindi lamang sila abala, Im sure they would have come. Gusto rin naman nilang magkita-kitang muli.
Talagang napapanahon ang kasalan. Ni-remind na ako nina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado ng kanilang nalalapit na wedding sa March.
Kinuha nila akong ninong. Si Tonton mismo ang personal na nagdala sa akin ng kanilang imbitasyon.
Imbitado rin ako sa kasal nina Gladys Reyes at Christopher Roxas. Susunod na raw ang imbitasyon pero, inuna nila yung pagsasabi sa akin sa pamamagitan ng text.
Dasal ko na lamang ay maging matagumpay ang relasyon nila. Kung sabagay, baka wala nang dumating sa kanila na pagsubok dahil napagdaanan na nila ito sa kanilang pagiging magno-nobyo. Just in case, prayers lamang ang magiging pananggalang nila.
O di ba, sikat na sikat na ang StarStruck? Di pa man napipili ang final pair, malakas na ang suporta ng manonood sa mga di naka-survive at lalo na sa Final 4.
Malakas na come on yung ma-dramang pag-alis o pagpapa-graduate sa mga finalists. Gustung-gusto ng mga Pinoy ang mga ganitong drama. Natatandaan ko, highlight din nun sa Thats yung pagpapa-graduate sa mga myembro. Kung maaari nga lang, huwag na itong dumating pero bahagi ang pagbabawas ng tao ng mga ganitong palabas. Ito ang nagpapaganda sa show, ang nagbibigay ng puso sa palabas.
Sa tulong ni Manila Mayor Lito Atienza, GSIS at National Commission of Culture and Arts (NCCA), inaasahan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na muling mabubuhay ang nasabing tanghalan at mapapanooran ito ng mga magagandang palabas na tulad nung araw.
May nag-suggest sa Pangulo na gawin itong parang Chinese Grauman Theater sa Hollywood at lagyan ng mga pangalan ng mga artista ang harapan ng MET, mga pangalang sumikat sa tanghalan, gaya nina Atang dela Rama, Katy dela Cruz, Pilita Corrales, etc.
Na-touch naman ako nang sabihin ni PGMA na ako ang naalala niya kapag nababanggit ang MET dahil sa kakulitan kong maipa-renovate ito.
Sana nga, magawa agad ito. Sana.
Maaaring di ako maintindihan ng marami, at sabihing nag-iilusyon ako sa nawalang programa pero masisisi ba nila ako, eh totoo namang gumawa ng malakas na impact ito sa showbiz. At sa aminin nila o hindi, sa programang ito natuklasan ang napakaraming artista na pinakikinabangan pa hanggang ngayon ng lokal na showbiz.
Happy naman ako dahil sumipot ang makulit pa ring si Janno Gibbs, ang sikat na ngayong si Kyla, si Jean Garcia, Isabel Granada, Lotlot at Ian de Leon, Simon Soler at marami pa. Nag-phone patch din sina Billy Crawford, Caseylin Francisco at si Neil Eugenio ng dating Monday group na ngayon ay isa nang malaking negosyante sa Australia.
Marami pa sila na ayaw ko nang isa-isahin at kung hindi lamang sila abala, Im sure they would have come. Gusto rin naman nilang magkita-kitang muli.
Kinuha nila akong ninong. Si Tonton mismo ang personal na nagdala sa akin ng kanilang imbitasyon.
Imbitado rin ako sa kasal nina Gladys Reyes at Christopher Roxas. Susunod na raw ang imbitasyon pero, inuna nila yung pagsasabi sa akin sa pamamagitan ng text.
Dasal ko na lamang ay maging matagumpay ang relasyon nila. Kung sabagay, baka wala nang dumating sa kanila na pagsubok dahil napagdaanan na nila ito sa kanilang pagiging magno-nobyo. Just in case, prayers lamang ang magiging pananggalang nila.
Malakas na come on yung ma-dramang pag-alis o pagpapa-graduate sa mga finalists. Gustung-gusto ng mga Pinoy ang mga ganitong drama. Natatandaan ko, highlight din nun sa Thats yung pagpapa-graduate sa mga myembro. Kung maaari nga lang, huwag na itong dumating pero bahagi ang pagbabawas ng tao ng mga ganitong palabas. Ito ang nagpapaganda sa show, ang nagbibigay ng puso sa palabas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended