^

PSN Showbiz

Gary V. nasapawan ng anak sa concert

PARINING NGA - Lanie M. Sapitanan -
Matagumpay yung last celebration ng 20th anniversary ni Gary Valenciano sa industry last Friday sa Aliw theater. Kahanay ko sa upuan ang family ni Gary kasama ang mother niya, kapatid na babae ni Gary at pamangkin nito na muli siyang dinalaw dahil nagbabakasyon lang sila ng ilang linggo dito sa bansa. Ka-join din nila sa upuan syempre si Ms. Angeli Pangilinan at ang wife ni Tirso Cruz III na close friend nila Gary.

Katabi ko mismo sa upuan si Kiana, ang bunsong anak na babae ni Gary na proud na proud sa kanyang ama at pati na rin sa kuya niyang si Gabriel na nakihataw sa pagsayaw sa father nila. Panay din ang gaya ni Kiana ng dance step ng father niya habang nasa upuan ito. Kumanta rin si Kiana sa show bilang back up ni Gary sa kantang "Where Is the Love". Pero recorded na ito at sinasabayan na lang ni Gary. Gawa ito ng panganay ni Gary na si Paolo na nasa audience ng gabing yun.

Iba-iba ang hilig ng tatlong anak nina Gary. Si Paolo ay very obvious na mahiligin sa pagsasayaw. Feeling nga ni Gary na mas magaling sa kanya ang anak niya pagdating sa pagsasayaw. Kaya naman mukhang nasapawan si Gary ni Gabriel last Friday nang mag-showdown silang dalawa. Hindi rin nagpahuli si Gabriel sa kanyang ama sa pagtugtog ng musical instrument. Aakalain mo ring professional musician si Gabriel dahil ang galing nitong tumugtog. Si Paolo naman hilig ay acting pero more on theater. Mukhang si Kiana ay combination ng singing at acting na namana sa kanyang pamilya. Maganda rin ang boses ni Kiana. Pero hindi pa raw niya alam kung ano ang gusto niya dahil grade five pa lang naman siya ngayon.

Ilang taon pa at makakasama na lahat ni Gary sa kanyang mga concert ang mga talented niyang mga anak na hindi malayong malampasan pa ang kasikatan niya. Ayon naman kay Ms. Angeli na kung ano man ang gusto ng mga anak nila, full support ang ibibigay nilang dalawa ni Gary. Pero ngayon daw ay alam ng mga anak nila na studies nilang tatlo ang priority ng mga ito.

Pasado alas dose na ng gabi pero ayaw pa rin paawat ang mga tao dahil sa magagandang performance ni Gary.
* * *
Linggu-linggo kaming nagri-rent sa Video City dun sa amin sa Cavite. Dalawa pa yung salitan na pinaghihiraman namin, isa sa Pag-asa Subvidision sa Molino III at sa may Zapote-Alabang. Pero linggu-lingo rin akong naaasar sa pagkadismaya dahil sa mga pangit na copy na nahihiram namin. Sana naman magawan ito ng paraan ng Video City. Kasi palagi na lang akong nagrereklamo sa staff ng VC dun sa amin. Pinapalitan nga yung mga hinihiram ko pero pangit ang copy, pero ganun din ang resulta ng mga CD tapes na ibinibigay nila sa amin, minsan mas grabe pa. Sana yung mga sobrang gasgas na ang tape ay palitan na nila, o h’wag na nilang pinapa-rent. Nakakasira lang ng araw na gusto mong sanang mag-enjoy at mag-relax di ba?

vuukle comment

GARY

GARY VALENCIANO

KIANA

MS. ANGELI

MS. ANGELI PANGILINAN

NILA

PERO

VIDEO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with