Tinatawanan ito ni Tito Alfie Lorenzo at sinang-ayunan niya ang hula dahil sa simula ng pangangampanya hanggang sa botohan sa Mayo ay nakatuon ang aktibidades ng aktres sa pangangampanya kaysa sa paggawa ng pelikula. Totoong maglalakbay ang aktres sa ibat ibang siyudad ng bansa at makikiusap sa mga OFCW na iboto ang kanyang iniindorsong kandidato.
Tuloy pa rin ang taping nito sa kanyang teleserye at tiniyak ng manager na pagkatapos ng halalan ay sisimulan agad ang pelikula ni Juday sa Viva Films na kasama sina Aga Muhlach at Regine Velasquez. Paborable ang panahong ito sa tatlo dahil matatapos na rin ang commitment ni Regine sa kanyang natanguang show at si Aga naman, sinisigurong natapos na nito ang kanyang pelikula na kapareha si Kristine Hermosa.
Nakapila pa rin ang gagawing pelikula ni Juday sa Star Cinema at pati iyong project niya sa Regal Films ay naghihintay sa kanyang availability. Isang pelikula rin ang nakapila sa aktres na naka-planong gagawin sa Europe. Alex Datu