Excited ang aktor na makapareha ang Taiwanese actress. "Of course, Im excited. She is cute pala, she is pretty and so, Im excited to work with her."
Samantala, bakit may ilang manunulat na gustong i-link ang aktor sa young star na si Angelica Panganiban kung saan isang malaking "no comment" ang isinagot nito sa mga nang-iintrigang mga manunulat. Para sa kanya, it doesnt matter kung mas bata sa kanya ang mamahalin nito basta mabait lang ito, may takot sa Diyos, maganda at mamahalin siya.
Bilang karagdagan, he finds Angelica pretty, very kind person and a nice girl. May nagtanong sa kanya kung kailan niya napansin ang young star pero, ayaw nitong magsalita at ayaw amining nagsimula niyang napansin ang young star noong magkakasama pa sila sa teleseryeng Sa Puso Ko, Iingatan Ka ng Dos.
Maraming nakapansin ng mga sandaling iyon na namumula ang aktor at kaysa sagutin nito ang karagdagang pang-iintriga sa kanya ay mas gusto nitong lumayo at nag-alibi na kailangan na siya sa finale ng ASAP Mania. Alex Datu