"Pero talaga kayang in-love sa kanya si .. dahil malakas siyang magsugal. Hindi rin siya kagandahang-lalaki. Sana mag-isip-isip munang mabuti ang aktres bago tuluyang lumagay sa tahimik," anang source.
Ang aktres ay nagkaroon na ng non-showbiz bf na politician noon na akala ng marami ay pakakasalan niya pero nagkahiwalay din ang dalawa.
Lahat ng katangian ay nasa aktres na kaya maraming umaasa na sanay maging masaya ang kanyang buhay sakaling lumagay na sa tahimik balang araw. Matagal niyang naging nobyo ang isang aktor na galing sa angkan ng mga artista na nalagay sa intriga kamakailan dahil sa problema sa non-showbiz wife.
Ayon sa host ng Okay Ka Mom sa Channel 9 na si Gigi Malonzo, itinuturing niyang pinakamaswerteng taon ang 2003. Noong December 29 ay natanggap nito ang pinakamagandang regalo mula kay Mayor Rey Malonzo, sinorpresa siya nang dumalo sa isang dinner sa Golden Apple Restaurant sa Caloocan kasama ang mga konsehala para doon pala idaos ang kanilang civil wedding.
"Sa wakas ay natupad na rin ang nobena ko kay St. Jude na sanay makasal kaming dalawa. Sabi nga ni Mayor ay malakas ang power ng aking pagdarasal dahil pinakinggan ang aking kahilingan. Sa sobrang excitement ay naiyak ako. Bago ito ay ipinakilala ako at pinadalo sa reunion ng Malonzo clan sa Pampanga noong December 28 kung saan nadama kong tanggap din nila ako," anang First Lady ng Caloocan.
Kunsabagay, nasaksihan ko kung gaano ka-close sina Ronald Malonzo at Gigi kung saan iniindorso pa nga ito ng gwapong anak ni Mayor.
Ang church wedding nina Mayor Rey at ni Gigi ay idaraos sa Marso 6 ng taong ito sa Our Lady of Grace sa Caloocan na dadaluhan ng prominenteng tao sa ibat ibang sector ng lipunan.
Sa kabilang banda, makakasama na si Albert sa Twin Hearts bilang kaagaw sa pag-ibig ni Rudy Fernandez kay Pops Fernandez. Parehong imbestigador ang role ng dalawa.
Sanay magdidirek muna ang aktor pero isinantabi muna ito dahil para sa kanya, mas malaki ang exposure kapag may soap opera at maganda pa ang talent fee.
Palibhasay unica hija (may kakambal itong lalaki) ay pinagbigyan siya ng kanyang magandang mommy na si Joan na mag-artista sa kabila ng pagiging honor student nito sa San Jose California. "Naging mabuting anak kasi si Nathalie, walang naging nobyo at di nagbigay ng problema kaya nang hilinging magbalikbayan at mag-artista muna ay pinagbigyan namin ang birthday wish niya," anang mommy.
Mahusay namang sumagot sa mga interbyu ang baguhang aktres at matalino bukod pa sa maganda at maraming nagsasabing kahawig niya si Sunshine Dizon.
Paborito nito si Aga Muhlach at Vilma Santos at kung papalarin ay gustong maging dramatic actress. May background naman ito sa acting dahil lumabas na sa stageplay sa kanilang eskwelahan.
"Sana po, mabigyan ako ng pagkakataong lumabas sa soap opera para maipamalas ko ang kakayahan sa pag-arte. Bata pa ay pangarap ko nang mag-artista kaya sana magtuluy-tuloy na ang aking career," aniya.
Isa lang ang payo namin kay Karen kung gusto niyang swertihin ang career, mahalaga ang pagtanaw ng utang na loob sa taong unang tumulong sa iyo gaya ng iyong manager. Mag-isip-isip ka muna bago ka kumawala sa kanyang poder.