Hindi lahat sa showbiz ay maka-FPJ
January 11, 2004 | 12:00am
Pagbibigay sa maraming request ang pagpi-feature namin sa major characters ng chinovelang A Promise of Love at The Dolphin Bay. Maraming nagkakagusto sa chinovelang ito dahil napapanahon ang istorya, gwapot magaganda ang cast at maganda ang soundtrack, lalo na ang opening song na "I Dont Want to Know" at ang "Journey" na sa OST o Original Soundtrack ay dalawa ang version.
Tema ng discussion sa Net ang Dolphin Bay at interesado na ang lahat sa magiging ending ng istorya nito. Kung sino ang makakatuluyan ni Marianne, kung matutuloy ang kasal nina Ian at Sally at kung ano ang mangyayari kay Hilton. Nabasa na namin ang synopsis nito sa Net at alam na namin ang ending. Ayaw lang namin i-preempt ang mga sumusubaybay ng chinovela, kaya di namin isinulat.
Bida sa Dolphin Bay sina Angela Zhang as Marianne, Wallace Hou as Hilton at Ambrose Hsu as Ian, Penny Lin as Sally at Jill Hsu as Mandy. Sa kanilang lima umiikot ang love angle ng istorya na nagpapaganda sa Dolphin Bay.
Unang napanood si Angela sa My MVP Valentine at si Ambrose sa Lavender na parehong ipinalabas sa GMA-7. Marami na ring ginawang TV series sa Taiwan si Wallace pero, sa Dolphin Bay siya nakilala ng Pinoy viewers. Wish ng mga fans ni Wallace na maipalabas din sa local TV ang West Side Story na kasama niya ang 5566 at 100% Señorita na parehong maganda.
Si Penny Lin naman ay napanood sa Lavender at Secretly In Love at real life girlfriend ni Ambrose. Sikat din sa Taiwan ang singer-actress na si Jill Hsu.
Tuloy na rin ang pagtakbong konsehal ni Jay Manalo sa 2nd district sa Tondo, Manila. Pero, hindi na sa Lakas-Christian Muslim Democrat Party ni President Gloria Macapagal-Arroyo tatakbo si Jay kundi sa tiket ng KNP o Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino ni Fernando Poe, Jr. Nasa tiket si Jay ni Cong. Lopez na kaalyado ni GMA. Natatandaan namin ang interview namin kay Jay sa presscon ng Gagamboy kung saan una niyang nasabi ang planong pagpasok sa pulitika. Tinanong namin siya noon kung susuportahan ang kandidatura ni FPJ at non-commital si Jay dahil nga papasok siya sa pulitika. Gusto ni Jay na may ibang ma-achieve at baka sa politics daw siya suwertihin.
"Kapag hindi ako nag-prospero, babalik din ako sa showbiz. Matagal na akong kinukumbinse at naisip kong this year subukan. Gusto ko sa mababang posisyon muna ako magsimula," wika ni Jay.
Sana lang, natupad ang plano ni Jay na kumuha ng crash course on Public Administration sa Ateneo bilang paghahanda sa pagpasok niya sa pulitika dahil mahirap daw ang walang alam.
Kundi maaagapan, baka maghiwalay ng landas sina Karen delos Reyes at manager niyang si Becky Aguila. Galit daw si Becky sa talent niya dahil sa presscon nitoy siniraan siya.
Sabi raw ni Karen sa mga nakausap na reporter na hindi siya inaasikaso ni Becky at di siya nito nabigyan ng trabaho noong December. Gustong umalis sa poder ni Becky si Karen para lumipat sa GMA Artist Center.
Hindi malaman ni Becky kung bakit sa press at hindi sa kanya sinabi ni Karen ang tampo sa kanya. Ang lalong ikinagalit ni Becky ay hindi niya alam na nagpa-presscon si Karen at nalaman na lang niya nang maglabasan ang interview dito. Habang sinusulat namin ang kolum na itoy hindi pa nakakapag-usap sina Karen at si Becky.
Hindi lahat sa showbiz ay iboboto si Fernando Poe, Jr. Sina Boy Abunda at Aiai delas Alas ay nagpahayag nang ang tambalan nina President Gloria Macapagal-Arroyo at Noli de Castro ang kanilang susuportahan.
May nakausap kaming singer-actress na hindi rin feel iboto si FPJ. Maganda ang paliwanag nito kung bakit hindi siya solb kay Da King at sentiments din ito ng ibang Pinoy. Nakiusap ang singer-actress na wag siyang pangalanan sa pangambang hindi siya maintindihan ng mga tao sa showbiz lalo na yung mga kampi kay FPJ.
Hindi personal ang dahilan ng singer-actress kung bakit ibang presidentiable ang kanyang iboboto. Sakaling manalo si FPJ, wish nitong matupad at magawa ang mga pagbabagong gustong gawin sa gobyerno.
Tema ng discussion sa Net ang Dolphin Bay at interesado na ang lahat sa magiging ending ng istorya nito. Kung sino ang makakatuluyan ni Marianne, kung matutuloy ang kasal nina Ian at Sally at kung ano ang mangyayari kay Hilton. Nabasa na namin ang synopsis nito sa Net at alam na namin ang ending. Ayaw lang namin i-preempt ang mga sumusubaybay ng chinovela, kaya di namin isinulat.
Bida sa Dolphin Bay sina Angela Zhang as Marianne, Wallace Hou as Hilton at Ambrose Hsu as Ian, Penny Lin as Sally at Jill Hsu as Mandy. Sa kanilang lima umiikot ang love angle ng istorya na nagpapaganda sa Dolphin Bay.
Unang napanood si Angela sa My MVP Valentine at si Ambrose sa Lavender na parehong ipinalabas sa GMA-7. Marami na ring ginawang TV series sa Taiwan si Wallace pero, sa Dolphin Bay siya nakilala ng Pinoy viewers. Wish ng mga fans ni Wallace na maipalabas din sa local TV ang West Side Story na kasama niya ang 5566 at 100% Señorita na parehong maganda.
Si Penny Lin naman ay napanood sa Lavender at Secretly In Love at real life girlfriend ni Ambrose. Sikat din sa Taiwan ang singer-actress na si Jill Hsu.
"Kapag hindi ako nag-prospero, babalik din ako sa showbiz. Matagal na akong kinukumbinse at naisip kong this year subukan. Gusto ko sa mababang posisyon muna ako magsimula," wika ni Jay.
Sana lang, natupad ang plano ni Jay na kumuha ng crash course on Public Administration sa Ateneo bilang paghahanda sa pagpasok niya sa pulitika dahil mahirap daw ang walang alam.
Sabi raw ni Karen sa mga nakausap na reporter na hindi siya inaasikaso ni Becky at di siya nito nabigyan ng trabaho noong December. Gustong umalis sa poder ni Becky si Karen para lumipat sa GMA Artist Center.
Hindi malaman ni Becky kung bakit sa press at hindi sa kanya sinabi ni Karen ang tampo sa kanya. Ang lalong ikinagalit ni Becky ay hindi niya alam na nagpa-presscon si Karen at nalaman na lang niya nang maglabasan ang interview dito. Habang sinusulat namin ang kolum na itoy hindi pa nakakapag-usap sina Karen at si Becky.
May nakausap kaming singer-actress na hindi rin feel iboto si FPJ. Maganda ang paliwanag nito kung bakit hindi siya solb kay Da King at sentiments din ito ng ibang Pinoy. Nakiusap ang singer-actress na wag siyang pangalanan sa pangambang hindi siya maintindihan ng mga tao sa showbiz lalo na yung mga kampi kay FPJ.
Hindi personal ang dahilan ng singer-actress kung bakit ibang presidentiable ang kanyang iboboto. Sakaling manalo si FPJ, wish nitong matupad at magawa ang mga pagbabagong gustong gawin sa gobyerno.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended