Richard,nag-iwan ng utang sa Boracay !
January 11, 2004 | 12:00am
Pagkaraang malathala ang sinabi ni Richard Gutierrez na pagkawala ng pera at ilang mahahalagang gamit ng kanyang mga kaibigan sa Red Coconut, isang kilalang hotel sa Boracay na kung saan ay tumuloy sila nung Bagong Taon, tumanggap ako ng tawag, una kay G. John B. Batacan, tumatayong manager ng nasabing hotel, at ikalawa, sa aking kaibigan of many years na si Ms. Connie Helgen, may-ari at personal na namamahala ng nasabing lugar, kasama ang kanyang asawang Frenchman na si Luke Helgen.
Ayon kay Connie, dumating sa kaalaman niya ang insidente at gumawa siya ng sarili niyang imbestigasyon. "Wala pang nangyayaring ganito sa aking lugar, first time ito," panimula niya. "May tiwala ako sa lahat ng mga nagtatrabaho sa akin. I can vouch for their honesty, di malilikot ang kamay nila. Katunayan, minsan ay may isang mayor na nakaiwan ng halagang P70,000 sa ilalim ng kanyang unan nung mag-check-out siya pero, nakita ito ng chambermaid at isinoli sa kanya bago siya tuluyang nakaalis.
"Nagtataka nga ako dahil di ko alam ang lahat ng nawala kina Richard. Bago nga sila umalis ay nagpakuha pa ako ng picture kasama si Anne(Curtis) pero never silang nagsumbong sa akin.
"It was my manager who informed me na nung paalis na lamang sila nang malaman niya ang mga pangyayari. Nag-suggest pa ito, matapos makausap ang lahat ng mga chambermaids at staff ng hotel na ipaalam ang pangyayari sa pulisya pero, hindi nila ginawa, umalis na lamang sila."
Ayon naman kay G. Batacan, nag-iwan ng utang sa hotel sina Richard sa halagang P13,280.06. Pumayag ang hotel na makaalis sila matapos na pumirma si Richard ng isang promisory note na babayaran niya ang halagang ito. Nilinaw pa ng manager na ang sinasabing nakawan ay hindi naganap sa kwarto ng mga kaibigan ni Richard kundi sa garden view room sa labas ng Red Coconut hotel building.
Napansin din daw ng manager na napakaraming kaibigan ng grupo ang naglalabas- pumasok sa kwarto nila habang nakatuloy sila run. At tulad ng karaniwang practice, inadvice sila na ideposito ang mga mahahalagang gamit nila sa front desk for safekeeping at bibigyan sila ng resibo pero, di rin nila ginawa.
Ang pagbibigay na ito ng side ng Red Coconut ay aking ginagawa for the sake of fairness at para rin sa isang pagkakaibigan na umaabot na ng napakaraming taon.
Marami ang nag-uuyam sa ginawang pagpayag ni Atty Nick Gatmaytan sa alok ni presidentiable Raul Roco para tumakbo bilang senador sa partido nito. Ang katwiran ng marami, ano nga ba ang magagawa ng isang bulag kapag pinalad na manalo sa eleksyon? Yes, si Atty. Gatmaytan ay isang bulag dahilan sa kanyang kapansanan na tinatawag ng mga doktor na Retinitis Pigmentosa (progressive blindness). Ito ang dahilan kung kaya maging ang pamilya niya ay tutol na lumahok siya sa eleksyon. Pero, ang pagiging bulag niya ang pangunahing dahilan upang pangarapin ng manananggol na maging isang senador. Gusto niyang makagawa ng mga bills na makakatulong sa mga katulad niyang may disability. Mahina raw ang ngipin ng batas na patungkol sa may mga kapansanan kaya nais niyang makatulong para mapatigas ang mga batas para marami ang sumunod.
Gusto rin ng bulag na mananaggol na nagbibigay din ng libreng legal aid sa mga mahihirap na maging kabahagi sa paglaban sa korapsyon para makinabang ang mga katulad niyang may kapansanan at salat at maging ang buong bayan.
Ayon kay Connie, dumating sa kaalaman niya ang insidente at gumawa siya ng sarili niyang imbestigasyon. "Wala pang nangyayaring ganito sa aking lugar, first time ito," panimula niya. "May tiwala ako sa lahat ng mga nagtatrabaho sa akin. I can vouch for their honesty, di malilikot ang kamay nila. Katunayan, minsan ay may isang mayor na nakaiwan ng halagang P70,000 sa ilalim ng kanyang unan nung mag-check-out siya pero, nakita ito ng chambermaid at isinoli sa kanya bago siya tuluyang nakaalis.
"Nagtataka nga ako dahil di ko alam ang lahat ng nawala kina Richard. Bago nga sila umalis ay nagpakuha pa ako ng picture kasama si Anne(Curtis) pero never silang nagsumbong sa akin.
"It was my manager who informed me na nung paalis na lamang sila nang malaman niya ang mga pangyayari. Nag-suggest pa ito, matapos makausap ang lahat ng mga chambermaids at staff ng hotel na ipaalam ang pangyayari sa pulisya pero, hindi nila ginawa, umalis na lamang sila."
Ayon naman kay G. Batacan, nag-iwan ng utang sa hotel sina Richard sa halagang P13,280.06. Pumayag ang hotel na makaalis sila matapos na pumirma si Richard ng isang promisory note na babayaran niya ang halagang ito. Nilinaw pa ng manager na ang sinasabing nakawan ay hindi naganap sa kwarto ng mga kaibigan ni Richard kundi sa garden view room sa labas ng Red Coconut hotel building.
Napansin din daw ng manager na napakaraming kaibigan ng grupo ang naglalabas- pumasok sa kwarto nila habang nakatuloy sila run. At tulad ng karaniwang practice, inadvice sila na ideposito ang mga mahahalagang gamit nila sa front desk for safekeeping at bibigyan sila ng resibo pero, di rin nila ginawa.
Ang pagbibigay na ito ng side ng Red Coconut ay aking ginagawa for the sake of fairness at para rin sa isang pagkakaibigan na umaabot na ng napakaraming taon.
Gusto rin ng bulag na mananaggol na nagbibigay din ng libreng legal aid sa mga mahihirap na maging kabahagi sa paglaban sa korapsyon para makinabang ang mga katulad niyang may kapansanan at salat at maging ang buong bayan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended