May movie sila ni Aya na gagawin sa bagong produksyong Camel Ventures Film International Co. Inc na pinamagatang Two Men From Eden. Sayang nga lamang at di nakasali sa cast ang isa pang friend ni Ana na si Via kung hindi ay ganap na sana ang reunion nilang tatlo. Ang pelikula ay magsisilbing bakasyon ni Aya na matapos makapanganak ay nakuntento nang manatili ng probinsya at mag-alaga ng kanyang anak.
Kasama sa Two Men From Eden (Ang Unang Aklat) sina Aya, Victor Victorio, Ana, Allen Dizon (Past Time) at Stella L, Hanni Miller at ipinakikilala si Karina Zobel (Present Time). Executive and Associate Producers sina Al and Ronnie Cruz, line producer si Amang Razon, writer & director si Edward Espiritu.
Samantala sa Enero 17, live na mapapanood ang STD na sina Yda Manzano at Hanni Miller sa San Antonio, Nueva Ecija town fiesta. At sa Peb. 21, ang inaabangang STD Naked Valentine (a post musical Valentine) na prodyus nina Richard Hiñola at Olive Oteyza. Para sa bookings nina Stella L, Hanni, Yda, Karina at Keanna Reeves, tumawag sa 4330149, 4354881 o 09206422167.