^

PSN Showbiz

Chynna,ayaw nang makipag-away kay Angel !

- Veronica R. Samio -
Kung nabalita mang nagde-dedmahan sina Chynna Ortaleza at Angel Locsin last year, sa taong ito, gusto nang iwan ni Chynna ang lahat ng di magagandang bagay na dulot ng lumang taon. "Gusto kong simulan ang taon ng maganda, walang kaaway o kagalit," anang kabataang aktres na sa kabila ng mga intriga na kinasangkutan niya sa 2003 ay naging maganda naman ang takbo ng kanyang career.

"Hindi rin naman maganda yung nag-aaway- away kami gayong magkakasama lamang kami sa iisang istasyon at magkapareho ang aming trabaho. I’m sure, pareho lang naming gusto ni Angel na maging smooth ang takbo ng aming trabaho at mangyayari lamang ito kung wala kaming kagalit pareho," dagdag pa ni Chynna na umamin na kapag nakaluwag-luwag siya sa trabaho ay mag-aaral siya ng cinematography.

"Fascinated ako sa camera at ang mga bagay na pwedeng gawin dito. I’ll find time para dito," pangako niya despite her hectic schedule na nagiging dahilan para siya mangayayat ng husto. Tuloy nagmumukha siyang batang-bata sa kanyang tunay na edad na 21.

"Happy ako na mukha akong bata pero preferred ko yung ganito kapayat. Mas madaling kumilos. I’m healthy naman kaya lang hindi ako makapag-exercise, kaya wala akong muscles. Walang time. Ang pinaka-exercise ko na lang ay ang pagsasayaw which I’m very fond of. Pero, maski ang dancing ay nagagawa ko lamang once a week," sabi niya ulit.

Chynna has finished a movie with Regal, ang Kuya na nagtatampok din sa kanyang partner na si Richard Gutierrez at ilan pang bagets stars.

Malakas pa rin ang hatak ng kanilang tandem ni Richard sa mga tagasubaybay ng My 1, 2 Love, ka-back-to-back ng Yaya Lovely sa Love 2 Love na napapanood every Sunday sa GMA, pagkatapos ng SOP Rules.
* * *
Nag-file din pala ng kanyang certificate of candidacy ang kasalukuyang vice governor ng Camarines Sur na si Imelda Papin. Tatakbo naman ang Sentimental Songstress at Undisputed Jukebox Queen bilang congressman sa 2nd District ng Camarines Sur. Si Imelda lamang ang nag-iisang vice governor na tumakbong reelectionist sa kanyang lugar at nanalo.

Sa Buhi magdiriwang ng kanyang kaarawan si Imelda sa huling linggo ng Enero at inaasahan na magiging mabongga ang gagawin niyang selebrasyon. First time niya ito to celebrate her birthday sa labas ng Maynila.

May isang 30-minute TV show si Mel sa ABS CBN Bikol na pinamagatang In Person (IP).
* * *
Isang linggo ang magiging selebrasyon ng Navotas para sa ika-98 anibersaryo nito.

Isa sa magiging highlights ng pagdiriwang ay ang makulay na koronasyon ng Mutya ng Navotas na ang mga kalahok ay nagmumula sa 14 na barangay ng nasabing bayan.

Ang pagdiriwang na magsisimula ngayong Biyernes, Enero 9 ay kasabay din ng kapistahan ng Quiapo. Magkakaroon ng ecumenical service at motorcade.

Idineklara ni Pangulong GMA ang Enero 16 na isang special holiday sa Navotas.

Ang selebrasyon na tatawaging Pangisdaan Festival ay magtatampok sa isang drum and lyre competition, tiangge, seafoods cooking contest, interschool dance sport competition, medical and dental mission, mass wedding, jobs fair, centennial logo making contest, interbarangay dance and singing contest at Tagisan ng Talino.

Bibigyang parangal din ang mga natatanging opisyal at empleyado ng Navotas sa pangunguna ni Mayor Toby Tiangco sa Enero 15.

Ang Navotas ay dating bahagi ng Malabon hanggang sa maideklara itong separate town nung 1906. Last year, kinilala ito bilang Best Peace and Order Council dahil sa matagumpay nitong kampanya sa crime prevention.

Umaasa ang Navotas na magiging isa nang ganap na lungsod ito sa taong ito.

"Marami akong plano para sa aking bayan at matutupad lamang ito kapag naging isang ganap na lungsod na ito," ani Mayor Toby.

ANG NAVOTAS

ANGEL LOCSIN

BEST PEACE AND ORDER COUNCIL

CAMARINES SUR

CHYNNA

CHYNNA ORTALEZA

ENERO

NAVOTAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with