"Buti ako wala, pero ang mga friends ko lost P3000, P4000 at $200 at pati na yung bagong cellphone ng friend ko na ipinagyayabang sa amin, yung P900, nawala rin. Wala namang nagawa yung mga namamahala ng Red Coconut, although I believe responsible sila sa mga losses, dahil paalis na nga kami," ani Richard na siyang naging taya sa Bagong Taong bakasyon nilang lahat.
Wala pang plano ang GMA para kay Richard at sa kanyang kaparehang si Chynna Ortaleza para sa isang bagong show dahil magtatapos na sa February ang My 1, 2 Love, isa sa dalawang istorya na tampok sa Love 2 Love na napapanood tuwing Linggo pagkatapos ng SOP, sa GMA na kung saan kasama nilang gumaganap si Anne Curtis.
Dual roles si Richard sa nasabing palabas at kapareha aniya ang dalawang kabataang artistang babae.
"Minsan, nagkaroon ako ng eksena na kinunan from 6 pm to 5 am. I thought I was dying dahil napaka-hirap ng eksena. Pero, enjoy ako sa show dahil napaka-interesting ng roles ko, magkaiba ang characters pero never akong na-confuse," dagdag pa ni Richard.
Ano kaya ang dahilan na patuloy na tinatangkilik ng manonood ang loveteam nina Richard at Chynna sa kabila ng pangyayaring wala naman silang romansa sa kabila ng screen?
"Sinusuportahan po namin ang isat isa dahil mabuti kaming magkaibigan," ayon kay Chynna.
Marami nga ang nagsasabi na effective ang pairing ng dalawa na promising artists din individually. Flexible din ang dalawa sa anumang genre of acting, comedy, heavy or light drama.
"Pero, sa susunod naming TV soap, sana naman bida na kami," may halong pakiusap ni Richard.
Ang palabas na ginawan ng libretto ni Mark Reyes, musika ni Roy del Valle, choreography ni Roobak Valle, production design ni Edel Templonuevo ay unang ipinalabas nung Disyembre. Si Tony Espejo ang direktor ng palabas.