Sexy actor ayaw maikabit ang pangalan sa manghuhula

Madaling nakagawa ng pangalan ang sexy actor na ito dahil may ibubuga naman sa pag-arte. Hindi naman nito ipinagkakaila na isa siyang macho dancer nang ma-discover sa gay bar.

Hanggang isang beses, dumalo ito sa isang showbiz affair at nakita siya ng isang manghuhula na mahilig sa mga taga-showbiz at ilang lalaki na rin ang nagkaroon ng kaugnayan sa kanyang buhay. Malakas ang sex appeal ng sexy actor kaya agad nagpakuha ng litrato ang manghuhula kasama ang aktor para daw souvenir. Na-link ngayon ang aktor sa manghuhula dahil sa larawan nila. Imbyerna ang sexy actor. Nag-dialogue tuloy ito ng "Intrigahin na nila ang pagiging macho dancer ko huwag lang akong i-link sa may edad na manghuhulang yan."

Sa madaling salita, ayaw na masabit ang pangalan ng sexy actor sa manghuhula at katwiran ay mas makabubuti pang makalkal na lang ang nagdaang buhay sa gay bar kaysa ma-link sa kanya.
Masaya Noong Pasko
Akala ng marami ay malamig ang Pasko ni Janice de Belen pero, masaya nitong ipinagdiwang ang holiday season sa piling ng mga anak at ng isang masugid na manliligaw na taga-Ateneo. Sa mga ikinikilos ni Janice, halatang in-love ito ngayon. Marami ring nakakapansin na lagi nitong suot ang jacket ng basketbolista.

Ang gwapong binata ay isang basketball player ng Ateneo. Kumukuha sa Ateneo ng AB Psychology si Janice pero pansamantalang tumigil dahil sa kanyang showbiz commitment-Sis at S-Files bukod pa sa kanyang binuksang negosyo. Gaya ng asawa ay gwapo rin at matangkad ang Atenista na mas bata kaysa sa actress-TV host.

Madalas makita sina Janice at ang Atenista na kumakain sa paborito nilang restoran sa may Timog. Sa kabilang banda, tanggap na ng mga anak nito ang kanilang paghihiwalay ng dating asawa kaya hindi na sila apektado kapag nababasa ang hayagang relasyon ng ama kay Vanessa del Bianco na narito ngayon sa bansa.
Nag-Improve Na Ang Akting
Aware naman si Tanya Garcia sa mga feedback na kailangan pa niyang pagbutihan ang kanyang pag-arte. Pero ngayon ang pakiramdam niya ay nag-improve na siya dahil nakatrabaho na niya ang magaling na director na si Joel Lamangan sa Filipinas. Malaki raw ang natutunan niya rito sa acting bilang nagdadalamhating asawa ni Wendell Ramos.

Sa teleseryeng Twin Hearts ay marami rin ang nakapuna na nag-improve na ang acting ni Tanya bilang leading lady ni Dingdong Dantes.
Jolo-Karen, Bati Na
Masayang ibinalita ni Jolo Revilla na humingi na ng "sorry" si Karen delos Reyes matapos ang insidenteng murahan sa set ng Click. Ito ang naging dahilan para mag-resign na sa naturang programa ang young actor.

Pero wala nang balak na bumalik pa roon si Jolo dahil magiging abala na ito sa pagtulong sa pangangampanya ng ama na tatakbong senador sa darating na eleksyon.

Nang makakwentuhan nga namin si Lani Mercado sa Christmas party ng Twin Hearts ay nasabi nitong pwedeng kumanta sina Jolo at Bryan sa political campaign ng asawa lalo pa at tinitilian na rin ang dalawa.
Uno, Matamlay Pa Rin Ang Career
Ngayong nawala na sa ere ang Buttercup ay wala pa ring regular show si Onemig Bondoc. Yung ibang kasabayan niyang aktor gaya nina Piolo Pascual, Diether Ocampo o Carlos Agassi ay may kanya-kanyang show.

May gagawing soap opera sina Claudine Barretto at Piolo pero si Uno lang ang napag-iwanan. Ano ang masasabi niya rito?

Ayon sa aktor, hindi naman siya naniniwalang may pulitikahang nangyayari sa loob ng Dos at never niyang igi-give-up ang career. Handa pa rin siyang maghintay para mabigyan ng mga proyekto. Kahit may nagpapayong kailangang i-repackage siya (gaya ng iba) kung saan mula sa wholesome image ay naging daring ang dating nila ay hindi naman siya nananaghili.
Maswerte Ang Taong 2003
Naging memorable sa akin ang taong 2003 at nais kong pasalamatan ang mga taong naging bahagi ng aking kasiyahan sa pagtanggap ng dalawang mahahalagang awards. Una, sa FAMAS na nagbigay sa akin ng karangalan bilang Dr. Jose Perez Memorial Awardee noong April 12 at sa pamilya Vera-Perez. Pasasalamat din sa pamilya ko sa Pilipino Star Ngayon sa pagbibigay din sa akin ng loyalty award noong Marso 17 at sa Soroptimist International Philippines sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon bilang pangulo nila na makadalo sa mga seminar sa abroad gaya ng idinaos sa San Diego, California para maitaas ang antas ng mga kababaihan.

Higit sa lahat, sa Itaas sa patuloy na gabay at biyaya sa pagkakaroon ng matatag na pamilya at magandang kalusugan.

Show comments