Maricel,nag-iisang winner sa MMFF na di kinuwestyon
January 4, 2004 | 12:00am
Swerte si Maricel Soriano. Nang manalo siyang best actress noong nakaraang Metro Manila Film Festival, iyon lang kanyang panalo ang hindi nakwestyon.
May nagtatanong kung bakit third best picture lamang iyong Filipinas ni Joel Lamangan. May nagtatanong din kung bakit hindi si Richard Gomez ang best actor. Nagtataka rin sila kung bakit hindi si Zsazsa Padilla ang best supporting actress. Marami talagang tanong kaya nga sinasabi naming swerte na rin si Maricel Soriano dahil siya lang ang nanalong hindi natanong. Kasi nga si Maricel ang nag-iisang popular choice sa mga pinapanalo ng mga hurado sa nakaraang MMFF. Pero lagi namang ganyan sa festival. Madalas na may mga nananalong hindi popular choice. Marami ring nananalo na hindi makapaniwalang nanalo sila, o nagsasabing hindi naman sila umaasang mananalo dahil sa palagay nila, hindi naman panlaban ang kanilang ibinigay na performance o maikli lamang ang kanilang role.
Pero ganyan naman talaga ang awards, kaya nga basta nanalo ka, at nagkataong ikaw ang popular choice kagaya ni Maricel, aba eh kailangan samantalahin na niya iyan dahil bihirang mangyari ang ganyan. Dapat nga, magkaroon agad siya ng isang follow-up movie na matindi rin, para kumita naman.
Sa nakikita namin, maaari pang gumawa si Maricel ng isa pang Joel Lamangan movie. Iyon nga lang pelikula nilang ginawa noon, palagay namin sa rami ng nakialam kaya hindi na maganda ang resulta sa takilya. Pero kung siguro nga pinabayaan na lamang iyon sa kanyang direktor, mas magiging mahusay ang labas ng pelikula at baka nga mas naging malakas iyon sa takilya.
Palagay namin sa ngayon dapat may isa pa siyang pelikula na si Joel Lamangan din ang direktor.
Napanood namin noong isang gabi ang ginawang countdown ng Channel 7. OK naman iyon, bagamat masasabi ngang simple lang. Pero naalala nga namin iyong countdown na ginawa nila noong year 2000, mas malaki at mas magandang di hamak kaysa sa napanood namin noong isang gabi.
Siguro nga mas matindi ang paghahanda nila noon dahil new millennium, pero ang sinasabi naman namin, kung makagagawa sila ng ganoon kahusay, bakit naman ngayon ay ganoon lang ang ginawa nila? Napatunayan mo nang kaya mo ang mas malaki eh, bakit kailangang mas maliit ang gawin mo ngayon?
Pero tapos na iyon eh, sa susunod na lang sana mas maganda pa.
Hinahanap ng isang balikbayang bading ang isang dating male bold star. Nagkakilala raw sila mga limang taon na ang nakaraan sa isang bar sa Angeles City kung saan naging GRO ang male bold star. Nagkita yata sila ng ilang ulit. Ngayong nagbalik siya ay nagpunta siya sa nasabing bar sa paghahanap ng male bold star, pero wala na iyon doon dahil naigarahe na raw yata ng isang matrona.
Pero hindi pa rin nasira ang loob ng bading, ipinagbilin pa rin niya sa bar na kung madadaan doon ang male bold star, malaman lang noon na hinahanap niya.
May nagtatanong kung bakit third best picture lamang iyong Filipinas ni Joel Lamangan. May nagtatanong din kung bakit hindi si Richard Gomez ang best actor. Nagtataka rin sila kung bakit hindi si Zsazsa Padilla ang best supporting actress. Marami talagang tanong kaya nga sinasabi naming swerte na rin si Maricel Soriano dahil siya lang ang nanalong hindi natanong. Kasi nga si Maricel ang nag-iisang popular choice sa mga pinapanalo ng mga hurado sa nakaraang MMFF. Pero lagi namang ganyan sa festival. Madalas na may mga nananalong hindi popular choice. Marami ring nananalo na hindi makapaniwalang nanalo sila, o nagsasabing hindi naman sila umaasang mananalo dahil sa palagay nila, hindi naman panlaban ang kanilang ibinigay na performance o maikli lamang ang kanilang role.
Pero ganyan naman talaga ang awards, kaya nga basta nanalo ka, at nagkataong ikaw ang popular choice kagaya ni Maricel, aba eh kailangan samantalahin na niya iyan dahil bihirang mangyari ang ganyan. Dapat nga, magkaroon agad siya ng isang follow-up movie na matindi rin, para kumita naman.
Sa nakikita namin, maaari pang gumawa si Maricel ng isa pang Joel Lamangan movie. Iyon nga lang pelikula nilang ginawa noon, palagay namin sa rami ng nakialam kaya hindi na maganda ang resulta sa takilya. Pero kung siguro nga pinabayaan na lamang iyon sa kanyang direktor, mas magiging mahusay ang labas ng pelikula at baka nga mas naging malakas iyon sa takilya.
Palagay namin sa ngayon dapat may isa pa siyang pelikula na si Joel Lamangan din ang direktor.
Siguro nga mas matindi ang paghahanda nila noon dahil new millennium, pero ang sinasabi naman namin, kung makagagawa sila ng ganoon kahusay, bakit naman ngayon ay ganoon lang ang ginawa nila? Napatunayan mo nang kaya mo ang mas malaki eh, bakit kailangang mas maliit ang gawin mo ngayon?
Pero tapos na iyon eh, sa susunod na lang sana mas maganda pa.
Pero hindi pa rin nasira ang loob ng bading, ipinagbilin pa rin niya sa bar na kung madadaan doon ang male bold star, malaman lang noon na hinahanap niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended