Ama ni Martin Nievera, baon sa utang?

Pansamantalang mapapanood si Edu Manzano sa Magandang Tanghali Bayan starting January 5 up to January 10. Temporary replacement si Edu sa nawalang host ng programa.

Sayang nga lang at hindi puwedeng maging regular host ng MTB si incoming Videogram Regulatory Board Chairman dahil sobrang dami na ang regular show niya kaya baka hindi na raw kayanin.

Bagay si Edu sa MTB. Although hindi siya puwedeng kumanta, bawing-bawi naman niya ‘yun sa pagpapatawa.

Kaya okey lang.

Tungkol naman sa kanyang pag-take over as VRB Chairman, blessing na lang daw ni Pangulong Gloria Arroyo ang hinihintay sa appointment ni Edu. Ayon sa source, okey na ang mga papers at isang pirma na lang ni GMA ang kailangan.

Si Edu ang inindorse ni outgoing VRB Chairman Bong Revilla kay Pang. Gloria para pumalit sa kanyang iiwanang posisyon.

Ayaw na raw kasi ni Bong na outsider pa ng showbiz ang umupo sa nasabing posisyon dahil baka hindi na naman daw gaanong mabantayan ang malalang problema ng piracy sa bansa.
* * *
How true kaya na baon sa utang ang father ni Martin Nievera na si Bert Nievera at asawa nitong si Carol? Ayon kasi sa kuwento ng source, bukod daw sa malaking utang na naiwan ng mag-asawa sa Amerika, malaki rin daw ang utang nito kay Annabelle Rama.

Kaya nga raw baka magsara na ang ilang branches ng Country Waffle na pag-aari ng mag-asawa.

True kaya ‘to?

Bakit kaya hindi tulungan ni Martin ang kanyang father na makabayad ng utang. Tutal naman siya ang kumikita ng malaki dahil sa kabi-kabila niyang shows sa abroad.
* * *
May pasasabuging news daw ang The Buzz bukas ng hapon tungkol kay Alicia Mayer. Tungkol daw ito sa real status ni Alicia. Ayokong i-reveal dahil baka ma-preempt, pero kailangan n’yo itong panoorin dahil malaking iskandalo ‘to sa part ni Alicia. Tungkol daw ito sa isang sulat.

Abangan!
* * *
Hindi pa ako ipinanganganak nang sumikat ang grupong Bread. Pero kahit ganoon, very familiar naman ako sa mga songs nila particular na kay David Gates na katatapos lang maglabas ng album. "David Gate The Songbook - A Lifetime Work" na available na sa mga record bars under BMG Pilipinas.

Kaya nga feel ko ring manood ng concert niya sa January 20 billed "The Voice of Bread: David Gates Asia Tour 2004" na produced ng JP Entertainment Productions and organized by Widescope Entertainment. (Tickets P2,000, P1,500, P1,000 P500 at P200 available in all SM Ticketnet outlets and SM Department Stores and all Araneta Coliseum box-office. For details call 911-5555 or 8992812).

Nanatili pa rin kasi ang mga musika ni David Gates hanggang sa kasalukuyan - simula no’ng mga panahong nasa grupo pa siya ng Bread. Napapakinggan pa rin ang mga kantang "If," "Make It With You," "Everything I Own," "Aubrey" and "Diary" at naririnig pa rin kahit saan na minsan nga ay hindi pinagsasawaang pakinggan ng mga music lovers.

Ang tagumpay ni David ay nagsimula sa grupong Bread bilang vocalist and chief songwriter. Ipinanganak siya noong 1940 ng kanyang amang band director and piano teacher na mother na isang prodigy - gumawa ng sariling history sa daigdig ng musika dahil sa murang edad ay natuto na siyang tumugtog ng piano, bass at drums bago pa man siya naging teenager.

Taong 1957 nang tawagin siya ng destiny: Naging back up siya ng legendary rocker na si Chuck Berry. Ang nasabing experience ang nagbigay ng inspiration kay David para pagbutihin niya ang pagsusulat ng kanta. Ito ang naging simula sa kanyang hometown hit na "Jo Baby" na may double purpose, ang mapansin siya ng kanyang high school sweetheart na ngayon ay asawa niya, si Jo Rita.

Kahit kasal na at may dalawang anak na, hindi tumigil sa pag-aaral si David. Pero iniwan din niya ang school para mag-concentrate sa musika sa paniniwalang his talents ay made-develop to the fullest. Dinala niya ang kanyang pamilya sa California para ipagpatuloy ang hilig sa musika bilang professional na.

In less than five years, nagbunga ang pakikipagsapalaran ni David.

Hinangaan siya ng marami kasama na sina Elvis Presley and Bobby Darin. Hanggang magsulat siya ng movie theme para sa pelikulang Baby the Rain Must Fall, isang malaking hit at Grammy nominee para kay Gleen Yarbrough in 1965 at ang chartbusting na "Popsicles and Icicles" para sa Murmaid’s.

Pero hindi pa ro’n nasiyahan si David. Marami pa siyang gustong gawin. Alam niyang mas magiging masaya siya pag nakapag-record siya at kumanta. Do’n niya nakasama sina James Griffin, Robb Royer, Larry Knechtel and Michael Botts kung saan binuo nila ang Bread, taong 1968. At ang pangalan ay nakuha nila nang may makita silang delivery truck ng bread.

Sumikat agad sa unang album ng grupo ang "Make It With You" na sinundan ng "Everything I Own," "Baby I Want You," "If," "Baby I’m A - Want You" and "Guitar Man" kung saan bumenta ito ng 17 million copies sa buong mundo.

Nang ma-disband ang grupo noong 1973, nag-decide si David na mag-solo. Nakagawa siya ng five albums na nagkaroon eight hit singles hanggang sa sumunod na dekada.

Middle of 80’s nang pansamantala niyang iwan ang musika para mag-concentrate sa kanyang rancho. Pero hindi nalilimutan ang kanyang musika dahil nire-remake ang kanyang mga kanta.

Pero hindi talaga niya kayang iwan ang musika kaya nagpatayo siya ng sariling recording studio sa kanyang rancho at muling nagsulat ng mga kanta.

At last year, muling pinatunayan ni David Gates ang pagiging contemporary song poets sa pagre-release ng "David Gates The Songbook - A Lifetime of Work" na umabot na sa no. 11 sa British charts.
Personal
Binabati ni Cora H. Ilang ang kanyang mga kaibigan sa Bulacan, Pampanga, Valenzuela, Novaliches, Cavite, San Pedro, Laguna lalo na si Francia Cordero at kamag-anak sa Canada, Hong Kong, Australia, San Diego California especially sa kanyang sister na si Nora Tayag at ang kanyang pamilya.

Pinaabot naman ni Luchi Gaspay-Quintana ang pagbati sa mga kamag-anak niya sa New Jersey lalo na si Daisy Gagarin and her husband Butch. Ganoon din ang mga pamangkin at pamilya na si Armi Cayanong sa Canada at ang kapatid na si Laura Gaspay sa Hong Kong at mga pinsan at kaibigan.

Show comments