^

PSN Showbiz

Mymy, Raymond mga bida sa isang Israeli movie

-
Maganda ang naging karanasan ni Mymy Davao sa bansang Israel noong gawin nila ni Raymond Bagatsing ang pelikulang Care Giver na ginawa ng Norma Productions. Very systematic ang kanilang shooting schedule na sa pakiwari ng aktres ay nasa Hollywood sila nagsu-shooting.

Trilogy ang ginawa nilang pelikula, ang una ay ginampanan ng bidang Indians, ang pangalawa ay mga Thai ang bida at sila ang nasa pangatlong episode. Unluckily, hindi mapapanood ang ginawa nilang pelikula dito sa atin dahil intended lang iyong movie sa bansang Israel.

Maganda ang treatment sa kanila at nagulat siya nang makita niyang parang nasa Manila lang sila dahil ang daming mga Pinoy doon na masayang nagtatrabaho. Gustung-gusto umano ng mga tagaroon ang mga Pinoy lalo na bilang mga caregiver dahil malilinis magtrabaho at talagang hanga sa kanila ang kanilang mga sineserbisyuhan.

Pati ang production staff ay gustung-gusto nila sina Raymond at Mymy dahil very professional daw silang magtrabaho. Kaya naman, baka may kasunod silang project dahil gamay nila ang staff and crew ng Norma Production. "Masuwerte tayong mga Pinoy dahil tayo ang hinahanap ng mga Israelites pagdating sa trabaho. Maalaga raw ang mga Pinoy kaya nga pumapalakpak ang tenga ko sa mga paghanga nila sa ’tin."– Alex Datu

ALEX DATU

CARE GIVER

DAHIL

MAGANDA

MYMY DAVAO

NORMA PRODUCTION

NORMA PRODUCTIONS

PINOY

RAYMOND BAGATSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with