Si Bayani ang napiling kumanta ng "Alam Kong Di Ako, Okey Lang", komposisyon nina Rommel Cuico at Jason Dacula mula sa Cebu.
"Bayani really has the voice," sabi ni Ms. Jamie Hipe ng Star Records. "Bagay sa kanya yung kanta. Wala kaming ibang naisip na puwedeng mag-interpret nong song kundi si Bayani lang. This year, he goes straight ballad na may pagka-naughty."
Maswerte si Bayani dahil mahahanay siya sa ilan sa pinakamahusay nating singers sa nasabing album. Kasama rin sa album ang songs nina Vina Morales, Jessa Zaragoza, Rachel Alejandro, Anna Fegi, True Faith, Wency Cornejo, Rico Blanco, Michael Josh" Santana, Aliya Parks at Heart Evangelista.
Sa March 7 ang finals night ng Himig Handog Love Songs at ngayon ay mabibili na ito in CDs and cassettes sa mga record bars.
Malaki ang tsansa ni Kabayan na maging susunod na Vice President. Kung pagbabatayan ang survey, consistent siya sa pagiging number one. Sa katunayan, sa isang independent survey na inilabas early this year, nangunguna si Kabayan sa mga kandidato sa pagka-pangulo. Dito ay tinalo niya si Fernando Poe, Jr. ng milya-milya.
Si Loren Legarda na nag-aambisyon ding maging Vice President ang magiging katunggali ni Kabayan. Ang balita ko, sinuyo nito ang kampo ni Mr. Poe para kunin siyang running mate nito. Pero napaka-desperada ng dating sa akin ng ginawang ito ni Senator Legarda.
Naniniwala ako sa kakayahan ni Kabayan bilang isang pinuno. Napatunayan ko ito sa mga kwentong naririnig ko mula sa mga taong nakatrabaho niya sa News & Current Affairs ng ABS-CBN. Bago naging senador, si Kabayan ang Senior Vice-President for Radio ng nasabing istasyon. Si Kabayan din ang dahilan kung bakit mayroong DZMM, ang AM Station ng ABS-CBN.
Sa mga kwento ng kanyang mga nakatrabaho, they all have good words for the good Senator. Wala raw itong ginusto kundi ang kapakanan ng kanyang nasasakupan lalo na sa maliit na tao sa kumpanya.
Nakakatiyak na ngayon si Kabayan ng suporta mula sa ABS-CBN, ang kumpanyang pinaglingkuran niya ng maraming taon.
Kung ang kabutihang loob at pagmamahal sa kapwa ang basehan ng mga boboto, tiyak nang panalo si Kabayan. Ngayong nagdeklara na si Kabayan, sigurado na ang suportang makukuha niya mula kina Korina Sanchez at Kris Aquino.
If you can read between the lines, si Mar Roxas nga siguro ang special guy sa buhay ni Korina ngayon. Sa show nilang Morning Girls with Kris & Korina, madalas siyang tuksuhin ni Kris kapag napag-uusapan ang aura ni Korina. Ina-attribute ni Kris ang magandang aura ni Korina kay Mar. To which, matamis na ngiti lang ang sukli ni Korina.
Minsan nang nag-guest si Mar sa show nina Kris at Korina. Kinilig ng husto ang audience sa mga pagkakataon na nag-uusap sina Korina at Mar.
Besides having Korina and Kris endorsement, maganda ang track record ni Mar Roxas sa government service. Isa rito ang pagpapalakas ng consumers rights at iba pa.