^

PSN Showbiz

Marami ang kinikilig sa posibleng romansa nina Korina at Mar Roxas

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Sigurado ako na kahit si Bayani Agbayani ay hindi makapaniwala na isa na siyang recording artist. Nagmula nang maging monster hit ang kanyang "Otso Otso" (the album is now a certified gold), nagkaroon ng ideya ang Star Records na gawing full fledged recording star ang TV host-comedian. This time, interpreter si Bayani ng isa sa 10 finalists sa Himig Handog Love Songs 2, ang song-writing competetion ng ABS-CBN. Ang 10 song entries ay kasama sa isang album na ni-release ng Star Records.

Si Bayani ang napiling kumanta ng "Alam Kong ‘Di Ako, Okey Lang", komposisyon nina Rommel Cuico at Jason Dacula mula sa Cebu.

"Bayani really has the voice," sabi ni Ms. Jamie Hipe ng Star Records. "Bagay sa kanya ’yung kanta. Wala kaming ibang naisip na puwedeng mag-interpret no’ng song kundi si Bayani lang. This year, he goes straight ballad na may pagka-naughty."

Maswerte si Bayani dahil mahahanay siya sa ilan sa pinakamahusay nating singers sa nasabing album. Kasama rin sa album ang songs nina Vina Morales, Jessa Zaragoza, Rachel Alejandro, Anna Fegi, True Faith, Wency Cornejo, Rico Blanco, Michael ‘Josh" Santana, Aliya Parks at Heart Evangelista.

Sa March 7 ang finals night ng Himig Handog Love Songs at ngayon ay mabibili na ito in CD’s and cassettes sa mga record bars.
* * *
Tama ang desisyon ni Senador Noli de Castro na magdeklara na ng kanyang kandidatura as early as now. Tinanggap na ni Kabayan ang imbitasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na maging running mate nito sa May elections. Nakapuntos na agad si Kabayan dahil sa kaguluhan ngayon sa pampanguluhan, nakatatak na sa tao ang pangalan niya na pagpipilian from among the vice presidential hopefuls.

Malaki ang tsansa ni Kabayan na maging susunod na Vice President. Kung pagbabatayan ang survey, consistent siya sa pagiging number one. Sa katunayan, sa isang independent survey na inilabas early this year, nangunguna si Kabayan sa mga kandidato sa pagka-pangulo. Dito ay tinalo niya si Fernando Poe, Jr. ng milya-milya.

Si Loren Legarda na nag-aambisyon ding maging Vice President ang magiging katunggali ni Kabayan. Ang balita ko, sinuyo nito ang kampo ni Mr. Poe para kunin siyang running mate nito. Pero napaka-desperada ng dating sa akin ng ginawang ito ni Senator Legarda.

Naniniwala ako sa kakayahan ni Kabayan bilang isang pinuno. Napatunayan ko ito sa mga kwentong naririnig ko mula sa mga taong nakatrabaho niya sa News & Current Affairs ng ABS-CBN. Bago naging senador, si Kabayan ang Senior Vice-President for Radio ng nasabing istasyon. Si Kabayan din ang dahilan kung bakit mayroong DZMM, ang AM Station ng ABS-CBN.

Sa mga kwento ng kanyang mga nakatrabaho, they all have good words for the good Senator. Wala raw itong ginusto kundi ang kapakanan ng kanyang nasasakupan lalo na sa maliit na tao sa kumpanya.

Nakakatiyak na ngayon si Kabayan ng suporta mula sa ABS-CBN, ang kumpanyang pinaglingkuran niya ng maraming taon.

Kung ang kabutihang loob at pagmamahal sa kapwa ang basehan ng mga boboto, tiyak nang panalo si Kabayan. Ngayong nagdeklara na si Kabayan, sigurado na ang suportang makukuha niya mula kina Korina Sanchez at Kris Aquino.
* * *
Speaking of Korina, lantaran nitong sinasabi na susuportahan din niya si former Trade & Industry Secretary Mar Roxas III, ang tinaguriang "Mr. Palengke" na tatakbo bilang Senador sa May elections. Pati nga si Kris ay ini-endorse rin si Mar.

If you can read between the lines, si Mar Roxas nga siguro ang special guy sa buhay ni Korina ngayon. Sa show nilang Morning Girls with Kris & Korina, madalas siyang tuksuhin ni Kris kapag napag-uusapan ang aura ni Korina. Ina-attribute ni Kris ang magandang aura ni Korina kay Mar. To which, matamis na ngiti lang ang sukli ni Korina.

Minsan nang nag-guest si Mar sa show nina Kris at Korina. Kinilig ng husto ang audience sa mga pagkakataon na nag-uusap sina Korina at Mar.

Besides having Korina and Kris’ endorsement, maganda ang track record ni Mar Roxas sa government service. Isa rito ang pagpapalakas ng consumer’s rights at iba pa.

ALAM KONG

BAYANI

HIMIG HANDOG LOVE SONGS

KABAYAN

KORINA

MAR ROXAS

STAR RECORDS

VICE PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with