Bagong Taon, bagong pag-asa sa buhay!
January 2, 2004 | 12:00am
Sa hirap na pinagdaanan nating lahat sa taong 2003, kung maaari nga lamang ay gustung-gusto ko nang hilahin ang mga oras para dumating na ang 2004. Hindi nga ako natulog, talagang hinintay ko ang paghihiwalay ng taon. At habang nagkakasayahan sa labas ng bahay, umusal ako ng isang dalangin na sana ang bagong taon ay magdala ng isang magandang bukas para sa ating lahat.
Ilang buwan na lamang at eleksyon na. Alam nyo na ba kung sino ang iboboto nyo? Ako, hindi pa. Ang hirap pumili ng kandidato. Ayaw ko na kasi ng mga pulitiko. Pakiramdam ko napakadumi ng pulitika sa ating bansa. Kung mayron mang matitinong pulitiko, mabibilang sila sa daliri ng ating mga kamay, ang karamihan sa kanila ay mga corrupt. Kaya nga napakaraming gustong pumasok dito, in the guise na gusto nilang magsilbi sa bayan, pero kapag nandun na, inuunang gawin ay magpayaman. Magtrabaho man, mas malaking budget ang ginagamit sa paglalagay ng mga streamers at posters na nagsasabing sa kanilang proyekto yung pag-iispalto, pagsi-semento ng kalsada, paglilinis ng kanal, paglalagay ng mga waiting sheds at kung anu- ano pang improvement, na para bang kung hindi nila aangkinin ang proyekto ay may aangking iba. Hayyyy nakuuuu!
Sana, magpatuloy yung magandang nasimulan ng Metro Manila Film Festival Philippines 2003 na siyam na pelikula ang ipinalabas, at lahat magaganda. Madagdagan pa sana ang mga producer na gagawa ng pelikula, kahit bold basta maganda.
Sana, hindi two sided lamang ang maging labanan sa TV para mas marami pang istasyon ang magpalabas ng mga magagandang panoorin.
Sana ang susunod na mamumuno ng bansa ay magagawang i-reconcile ang mga namumuno ng bansa, ang mga magkakalaban sa pulitika at ang magkakalabang partido.
Sa lahat ng ito, I am willing to give everyone the benefit of the doubt. Huwag sana nyo akong biguin.
Sa dami nang nagko-conduct ng mga search, di lamang para sa mga artista kundi para maging ramp model, commercial model, marami nang mga bagong mukha na magagamit ang showbiz para sa napakarami nitong proyekto.
Isa si Yves Jacob "Tatta" B. Saguin, isang show producer/director sa mga nakadiskubre ng maraming kabataan at bata sa kanyang isinagawang 1st Super Modelette Philippines 2004 na ginanap sa The Pearl Manila Hotel kamakailan lamang. Nanalo sa Kids Category sina Jan Felis Sanchez at Alec Jarman Montemayor; Pre-Teens Category sina Reggie Gopez at Ken Tozawa; Catwalk Category: Katkat Aranillo (Kids Category) at Monica Saturos (Pre-Teens).
Naging choreographer sa grand finals si Anthony B. Corpuz.
My homecoming concert si Anna Fegi sa kanyang probinsya sa Cebu sa Enero 17, 8:00 n.g. sa Teatro Casino, Waterfront Hotel, Lahug, Cebu City.
Ang kanyang konsyerto na pinamagatang Anna Fegi: The Homecoming concert 04 ay makakasabay sa Sinulog Festival. Magiging direktor niya si Manolet Garcia. Nagkatrabaho na silang dalawa nung 2002 sa Symphony of Summer sa Kalibo, Aklan; Voices, isang acoustic show sa Philamlife Theater; Christmas Zong kasama ang UST Symphony Orchestra at ang tenor na si Ramon Acoymo sa Fort Bonifacio Square nung Disyembre 2002; Anna Fefi: This Is The Moment sa Hard Rock Café.
Sa Homecoming Concert, pahahangain ni Anna ang mga kababayan niyang Cebuanos sa napakalaking improvement niya bilang singer.
Ilang buwan na lamang at eleksyon na. Alam nyo na ba kung sino ang iboboto nyo? Ako, hindi pa. Ang hirap pumili ng kandidato. Ayaw ko na kasi ng mga pulitiko. Pakiramdam ko napakadumi ng pulitika sa ating bansa. Kung mayron mang matitinong pulitiko, mabibilang sila sa daliri ng ating mga kamay, ang karamihan sa kanila ay mga corrupt. Kaya nga napakaraming gustong pumasok dito, in the guise na gusto nilang magsilbi sa bayan, pero kapag nandun na, inuunang gawin ay magpayaman. Magtrabaho man, mas malaking budget ang ginagamit sa paglalagay ng mga streamers at posters na nagsasabing sa kanilang proyekto yung pag-iispalto, pagsi-semento ng kalsada, paglilinis ng kanal, paglalagay ng mga waiting sheds at kung anu- ano pang improvement, na para bang kung hindi nila aangkinin ang proyekto ay may aangking iba. Hayyyy nakuuuu!
Sana, magpatuloy yung magandang nasimulan ng Metro Manila Film Festival Philippines 2003 na siyam na pelikula ang ipinalabas, at lahat magaganda. Madagdagan pa sana ang mga producer na gagawa ng pelikula, kahit bold basta maganda.
Sana, hindi two sided lamang ang maging labanan sa TV para mas marami pang istasyon ang magpalabas ng mga magagandang panoorin.
Sana ang susunod na mamumuno ng bansa ay magagawang i-reconcile ang mga namumuno ng bansa, ang mga magkakalaban sa pulitika at ang magkakalabang partido.
Sa lahat ng ito, I am willing to give everyone the benefit of the doubt. Huwag sana nyo akong biguin.
Isa si Yves Jacob "Tatta" B. Saguin, isang show producer/director sa mga nakadiskubre ng maraming kabataan at bata sa kanyang isinagawang 1st Super Modelette Philippines 2004 na ginanap sa The Pearl Manila Hotel kamakailan lamang. Nanalo sa Kids Category sina Jan Felis Sanchez at Alec Jarman Montemayor; Pre-Teens Category sina Reggie Gopez at Ken Tozawa; Catwalk Category: Katkat Aranillo (Kids Category) at Monica Saturos (Pre-Teens).
Naging choreographer sa grand finals si Anthony B. Corpuz.
Ang kanyang konsyerto na pinamagatang Anna Fegi: The Homecoming concert 04 ay makakasabay sa Sinulog Festival. Magiging direktor niya si Manolet Garcia. Nagkatrabaho na silang dalawa nung 2002 sa Symphony of Summer sa Kalibo, Aklan; Voices, isang acoustic show sa Philamlife Theater; Christmas Zong kasama ang UST Symphony Orchestra at ang tenor na si Ramon Acoymo sa Fort Bonifacio Square nung Disyembre 2002; Anna Fefi: This Is The Moment sa Hard Rock Café.
Sa Homecoming Concert, pahahangain ni Anna ang mga kababayan niyang Cebuanos sa napakalaking improvement niya bilang singer.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended