Napakabilis talaga ng mga pangyayari. Noong Biyernes lamang ng gabi ay nakita pa namin si Miko sa thanksgiving party ng Fantastic Man na ginanap sa Virgin Café ng Tomas Morato. Nanggaling pa ito sa isang promotional activity sa Makati City. Kasama niya ng gabing yon ang kasintahan niyang si Angel Locsin, si Oyo Boy Sotto at ang isa pa niyang kasamahan sa Fantastic Man na si Valerie Concepcion. Hindi namin akalain na yon na pala ang magiging huli naming pagkikita. Tuwang-tuwa pa nga si Miko nang gabing yon dahil nabalitaan niya kung gaano kalakas sa takilya ang Fantastic Man. First movie niya yon kasama ang kanyang Uncle Vic Sotto na siyang gumanap sa papel na Fantastic Man. Sumama pa si Miko sa parada ng mga artista nung nakaraang December 24 at all out din ang naging suporta nito sa promo ng Fantastic Man.
Beinte uno anyos pa lamang si Miko, ang bunso sa dalawang anak ng estranged couple na Maru Sotto (kapatid nina Sen. Tito Sotto, Val at Vic Sotto) at ang singer-actress na si Ali Sotto. Solo itong naninirahan sa isang condo unit sa Mandaluyong.
Si Miko ay nagsimula sa programang Click at na-involved pa ito sa dalawa pang programa ng GMA. Kamakailan lamang ay nag-guest si Miko sa Sis kasama ang kanyang inang si Ali Sotto na kasalukuyang nagbabakasyon sa Maynila. Ang kanyang ama namang si Maru ay nasa Cebu nang mangyari ang aksidente. Very close si Miko sa kanyang hiwalay na mga magulang lalung-lalo na sa kanyang mommy na may iba ng asawa. Tiyak na malungkot ang pagtatapos ng taon at pagpasok ng Bagong Taon sa pamilya Sotto dahil sa pagkamatay ni Miko na napakabata pa.
Nung nakaraang December 27 ng tanghali, nagbigay ng blow-out party ang Canary Films dahil sa tagumpay ng Malikmata kaya naibsan ang naramdamang depression ni Rica dahil sa pagkamatay ng bata. In fairness sa pamilya ni Rica, hindi sila nagpabaya sa pagtulong sa pamilya ng namatayan.
Para makapag-relax, nagtungo ng Borocay ang pamilya ni Rica nung December 28 at doon na rin sila magpapalipas ng Bagong Taon. Bukod sa pamilya ni Rica, kasama rin niya ang kanyang boyfriend na si Bernard Palanca at boyfriend ng kanyang nakababatang kapatid na si Paula, si Paolo Misa. Sa Enero 2 ang balik ng mag-anak sa Maynila.
Samantala, wala mang acting award na nakuha ang pelikulang Malikmata, masaya na rin si Rica dahil bukod sa tagumpay nito sa box office, nakakuha ito ng apat na technical award at kasama na rito ang Best Visual Effects, Best Musical Scoring, Best Sound at Best Editing na siya naman talagang gustong mangyari ni Direk Joey Javier Reyes nang makausap namin sa thanksgiving party ng Malikmata.
Nung nakaraang Linggo, December 28, naglibot kami sa Sta. Lucia Grandmall at nakita namin na halos puno ang ticket box ng Malikmata at humahabol ito sa Fantastic Man at Captain Barbell. Maganda rin ang turn-out ng mga pelikulang Mano Po 2 at Crying Ladies.
Naniniwala si Boss Orly na may pag-asa pang sumiglang muli ang industriya ng pelikulang Pilipino kung susuportahan ng mga manonood ang mga locally-produced films. Paano nga naman magpapatuloy sa pagpu-produce ang mga producers kung hindi naman kumikita ang mga ito?
Sa pagpasok ng Enero, agad namang sisimulan ni Vhong sa Star Cinema ang Otso-Otso na pagsasamahan nila ni Bayani Agbayani na ididirek ni Jerry Sineneng.
Kahit hiwalay na si Vhong sa kanyang misis na si Bianca Lapus, hindi siya nagpapabaya sa kanyang obligasyon sa kanyang anak na si Yce, now five years old.
Mabutit hindi maagang umuwi si Maricel Soriano, otherwise, hindi sana niya personal na matatanggap ang kanyang Best Actress trophy para naman sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Filipinas ng Viva Films na siyang nanalong 3rd Best Picture.