"Yun naman pala, nakarating pa sa hospital ang bata. Nag-try pang i-revive. Talagang na-rattle ako non," she added.
Kaya nga, masayang-masaya na sana ang Pasko nila, pero nagkaroon ng bahid ng sadness. Bukod kasi sa nangyaring yun, hindi rin nila kasama last Christmas ang dalawa niyang kapatid. "Umiiyak na lang ako sa simbahan kasi talagang hindi ko alam ang gagawin ko. Wala namang dapat sisihin dahil wala namang may gusto sa mga nangyari," she said.
Ang mommy niya ang nag-asikaso ng lahat. Hindi na rin daw kasi niya kaya sa pagod dahil nga sa promo ng Malikmata na na-compensate naman nang makasama sa top 4 ang kanyang pelikula.
"Mga 1:00 a.m. na nga kami nakapag-noche buena dahil hinintay pa namin ang mom ko na nakipag-usap sa pamilya ng victim na five year old boy."
Right now, nasa kulungan ang driver ng actress. Hindi pa gaanong nagtatagal ang nasabing driver sa kanila. Pero wala na silang magagawa dahil nangyari ang hindi dapat mangyari.
Anyway, wala sa plano ni Rica na ibenta ang Expedition na gamit ng driver nang mangyari ang aksidente. "Hindi naman kami naniniwala sa mga kasabihan although hindi ko pa ginagamit ang sasakyan since mangyari ang aksidente," sagot niya sa tanong kung nasaan na ang nasabing car.
"Akala ko non after ng promo ng movie namin, pahinga na kami."
Ang insurance na ang nakikipag-usap sa pamilya ng biktima pero sila ang sumagot sa gastos sa hospital at funeral.
In any case, by the time na binabasa nyo ang pahinang to, nasa Boracay na ang pamilya ni Rica para magpahinga. Doon na nila sasalubungin ang Bagong Taon kasama si Bernard Palanca. "Gusto naman naming maka-relax after ng sobrang pagod," she said.
Nakahinga na kasi ngayon ng maluwag si Rica dahil alam na niyang kumita ang pelikula niyang Malikmata.
Ayon sa isang source, nakabili na ang friend niya ng copy ng dalawang pelikula na kasama sa Magic 7 ng Metro Manila Film Festival.
Nag-panic daw si Bong Revilla, outgoing chairman ng Videogram Regulatory Board nang malaman ang balita.
Narito ang dalawa sa napakaraming e-mail.
Hi Salve,
Im Ella from Vancouver, nabasa ko ang letter ni Maricel ng Las Piñas issued Dec. 22, I agree with you Maricel at kahit dito sa Vancouver hindi maiwasang pag-usapan si Kris Aquino dahil well known syang actress at hindi basta-bastang artista lang. Pero ang totoo ay hindi na naniniwala ang mga tao sa kanya, dahil matapos siyang umiyak-iyak sa TV at kamuhian ang taong nanutok sa kanya at nag-reveal ng kung anu-anong baho ni Joey, at matapos nyang makuha ang sympathy ng fans, eto ngayon at parang walang nangyari sa malaking issue na ginawa nila.
Sana naman isipin ni Kris na matalino syang tao at malayo pa ang mararating nya, idol ko sya at gusto ko syang artista, pero sana katalinuhan din ang gamitin nya pagdating kay Joey.
Nakakatamad na ring makinig at mapanood si Kris kasi di mo alam kung totoo ang sinasabi nya.
Happy Holidays!
ell222002@yahoo.com
I had my friend (from the East Coast) recorded the infamous interview after the violent supposedly break-up, and had it sent here in the West Coast. Dont get me wrong, I watched her with awe from my very first memory of her as a little girl campaigning for her Dad. And I adored her for being so straightforward not to mention that shes beautiful and very intelligent.
Im just hoping that shell find the right guy who really deserves somebody like her. And I hope that shell have friends who will not only agree with her but also will scold her for her foolishness if it needs be. Life is too short, I wish her wisdom this holiday season.
Maria Lynn Lim
futalan@hotmail.com