^

PSN Showbiz

Piolo, di naniniwala sa abortion issue ni Judy Ann

-
Ayaw paniwalaan ni Piolo Pascual ang ibinabatong intriga sa ka-loveteam nitong si Judy Ann Santos na diumano ay nagpa-abort ito sa USA noong nagkaroon ng series of shows ang aktres.

Ayon sa aktor, imposibleng may nangyaring abortion sa aktres dahil masyadong abala ang aktres sa kanyang show. Kaya hindi siya apektado at talagang hindi naniniwala sa bad publicity ng aktres dahil hindi hiniwalayan ng kanyang Mommy Amy ito sa kanyang mga show. "My mom is my witness and she can speak for Juday na talagang punung-puno ang sked nito. Kaya imposibleng maisingit nito ang pagpa-abort," pagdidiin ng aktor.

Samantala, "no comment" ang aktor sa nababalitang pagli-link kay Juday sa action star na si Robin Padilla. Para sa kanya, ayaw niyang makialam sa damdamin ng dalawa at kung ano ang mayroon sila. "For me, I give them the benefit of the doubt, I respect that. You know, Juday is a friend of mine and when I asked her about it, she really said nothing is happening. So, I trust her words."

Excited din si Piolo sa balitang inihahanda na ng ABS-CBN ang kanilang soap sa taong ito pagkatapos ng Basta’t Kasama Kita. Tamang oras at panahon para sa kanya ang muling pagtatambal nila ni Juday. Aniya, talent lang siya ng Talent Center kaya kung ano ang gustong project ng management na gagawin nito ay wala siyang magagawa kundi ang sumunod pero andoon iyong pag-aasam na magkaroon uli sila ng soap. AD

ANIYA

AYAW

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

KASAMA KITA

KAYA

MOMMY AMY

PIOLO PASCUAL

ROBIN PADILLA

TALENT CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with