Nauna na kasing nag-circulate na si Christopher de Leon ang best actor winner at tie sa best actress sina Zsa Zsa Padilla and Lorna Tolentino. Samantalang best supporting actor winner daw si Eric Quizon at si Elizabeth Oropesa ang best supporting actress winner. Mali. Ang mga totoong winner ay sina Maricel Soriano - best actress para sa pelikulang Filipinas ng Viva Films, Eric Quizon, best actor for the movie Crying Ladies, best supporting actor si Victor Neri para sa kanyang role sa Filipinas at best supporting actress si Hilda Koronel for Crying Ladies.
Naka-3rd best picture ang Filipinas na una nang inaasahan na mananalong best picture samantalang 2nd best picture ang Mano Po 2 ng Regal Films. Gatpuno Antonio Villegas awardee ang Filipinas.
Best director naman si Mark Meiley ng Crying Ladies.
Best float ang Mano Po 2. Peoples Choice thru texting ang Mano Po 2 at nakakuha naman ng Gender Sensitivity Award ang Homecoming starring Alessandra de Rossi.
Sa acceptance speech ni Maricel Soriano, nag-dialoque siya na muntik na siyang umalis ng venue. Buti na lang daw at nag-stay siya. Feeling siguro ni Maricel malayo siyang manalo kaya nag-isip siyang umalis.
Naging host ng ginanap na Gabi ng Parangal sina Bayani Agbayani, Dina Bonnevie and Cherie Gil. Sa pagkapanalo ng Crying Ladies at Filipinas sa major categories, siguradong makakatulong ito para tumaas ang ranking ng dalawang pelikula na naungusan ng Captain Barbell and Fantastic Man.
In any case, narito ang mga iba pang winners:
Best production design - Mano Po 2
Best make up - Fantastic Man
Best visual effects - Malikmata
Best child performer - Julio Pacheco - Crying Ladies
Best story - Mano Po 2 - Roy Iglesias
Best cinematography - Mano Po 2
Best theme song - Homecoming
Best musical score - Malikmata
Best sound - Malikmata
Best editor - Malikmata
Female star of the night - Sharon Cuneta
Male star of the night - Richard Gomez
SALVE V. ASIS