Muli na naman pinatunayan ni
Vic Sotto ang lakas ng kanyang pwersa sa takilya sa pamamagitan ng
Fantastic Man na muling pinamahalaan ni
Tony Y. Reyes sa ilalim ng
OctoArts Films at
M-Zet Films, the same producers ng
Lastikman na pinagbidahan din ni Vic. Although wala kami sa posisyon na mag-release ng figures, napag-alaman namin na ang pelikulang
Fantastic Man ang siyang nanguna sa takilya nang itoy magbukas sa mga sinehan nung nakaraang Pasko, December 25. Sumusunod ang
Captain Barbell, pumapangatlo ang
Mano Po 2 ng
Regal Films, pumapang-apat ang
Malikmata ng
Canary Films, pang-lima ang
Crying Ladies ng
Unitel Pictures, pang-anim ang
Filipinas ng
Viva Films at pang-pito ang
Homecoming ng
Teamwork Productions.
Kung masaya ang cast ng
Fantastic Man, hindi rin maikubli ang kasiyahan ng mga stars ng
Malikmata na patuloy na humahataw sa takilya. Kung tutuusin, hindi kasing laki ng cast ng ibang film entries ang stars ng
Malikmata pero nakikipagpukpukan ito sa takilya.
Kung tutuusin, gusto pa sanang mag-extend ng kanyang bakasyon si
Rica sa Amerika kung saan siya nagkaroon ng month-long series of shows pero, kinailangan niyang bumalik agad dahil kailangan niyang tumulong sa promosyon ng kanyang
MMFF movie. Katunayan, magmula nang bumalik si Rica nung December 16 ng umaga ay wala na itong pahinga sa kanyang promo.
Ang
Malikmata ay siyang kaisa-isang horror film na kasama sa festival.
Nung Martes (Dec. 23) ng gabi ay nagtungo kami sa tiangge sa Greenhills. Kung gaano kasiksikan sa sobrang dami ng tao ay nakuha pa rin nina
Kristine Hermosa at
Luis Manzano na makipagsiksikan sa tiangge. Hindi naman sila nagulat nang makita kami. Katunayan, nakuha pa ng mga ito na bumeso sa amin. Ang nakakatuwa sa dalawa, hindi nila alintana ang attention sa kanila ng mga tao at patuloy pa rin sila sa paglilibot. Si Kristine ang namimili ng mga items habang nakamasid lamang si Luis na hindi sumama sa kanyang Mommy (
Vilma Santos) sa Amerika for the Christmas vacation. "May trabaho po kasi ako na hindi ko pwedeng iwan," paliwanag sa amin ni Luis nang usisain namin kung bakit hindi siya kasama sa Amerika ng kanyang Mommy. Masusi naming tiningnan ang dalawa at doon lamang namin na-realize na bagay pala silang dalawa. Sila na nga ba?
Pag-alis namin ng tiangge sa Greenhills, nagyaya ang anak kong si
Aila Marie na puntahan din namin ang tiangge sa Eastwood City sa Libis at ganoon nga ang aming ginawa. Nasa isang stall kami nang magkagulatan kami ng sexy star na si
Patricia Javier. Hindi ang kanyang ex-boyfriend na si
Marc Nelson ang kanyang kasama kundi isang gwapong Amerikano na ipinakilala niya sa aming si
Rob.
Tulad nina Kristine at Luis, hindi umiwas sa amin si Patricia nang makita kami unlike ang magkasintahang
John Estrada at
Vanessa del Bianco na umiwas sa ating mga kasamahang entertainment writers nang makita ang dalawa na namamasyal din sa Eastwood City nung nakaraang Lunes (Dec. 22) ng gabi.
Ang ipinagtataka lamang ng ating mga kasamahan sa panulat ay kung bakit iwas-pusoy ang dalawa sa mga taga-press samantalang inamin na ni John on national television kung gaano kahalaga sa kanya ang dating
MTB mainstay.
May dapat pa ba silang itago samantalang libre na rin naman si John dahil annulled na ang kanyang kasal sa asawang si
Janice de Belen?
Si Direk
Boots Plata pala ang acting coach sa pelikulang
Mano Po 2. In fairness to him, napaarte niya nang husto ang lahat ng bumubuo ng cast ng pelikula na dinirek ni
Erik Matti.
Kapansin-pansin din ang laki ng ipinagbago ni
Kris Aquino sa kanyang acting. Hindi na siya matatawag na ham actress. After all, may dalawang best supporting trophy na siyang pinanghahawakan courtesy of
Mano Po 1 na dinirek ni
Joel Lamangan. Pero ang pinakagusto namin ay ang role na ginampanan ni
Zsa Zsa Padilla.
Pagkatapos ng screening last Monday sa Eastwood Cinemas, ang role ni Zsa Zsa ang bukambibig ng mga nakapanood.
Hindi kaya nagsisisi sina
Lorna Tolentino at
Dina Bonnevie na kapwa umayaw sa role ng second wife na napunta nga kay Zsa Zsa?
Nakaalis na ang mag-inang
Ruffa Gutierrez-Bektas at
Lorin Gabriella Gutierrez-Bektas pabalik ng Istanbul kasama ang yaya ng bata. Hindi na nakuhang sumunod pa ng Pilipinas ng husband ni Ruffa na si
Yilmaz dahil marami pa itong inaasikasong business pero muling magkakasama ang pamilya Bektas at maging ang partido ni Yilmaz sa Enero 1 sa Cyprus kung saan sila magpapalipas ng Bagong Taon.
Mayroong hotel at casino ang mga Bektas sa Cyprus kaya hindi nila kailangang mag-stay sa ibang hotel. Kung masaya ang pagdating nina Ruffa at Lorin sa Pilipinas, naging malungkot naman ang paalaman sa mga Gutierrez.
Wala pang definite schedule kung kelan muli babalik ang mag-inang Ruffa at Lorin sa Pilipinas pero kung si Ruffa lamang ang masusunod, gusto niyang dito mag-celebrate si Lorin ng kanyang unang kaarawan.
Ang aming taos pusong pagbati ng Manigong Bagong Taon sa lahat! Sanay maging mapayapa at mariwasa ang papasok na Bagong Taon!
a_amoyo@pimsi.net