^

PSN Showbiz

Kabag Awards 2003,bow

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Nagkataon lang na Niños Inocentes ngayon, nakasabay naman ang ating traditional yearender awards na dating tinatawag na Kalabasa Awards. Dahil ibang henerasyon na, bagong pangalan na ang binyag natin sa katuwaang ito tuwing matatapos ang taon.

This time, tatawagin nating Kabag Awards ang ating ipamimigay. Kaya kabag, puro hangin kasi. Kapag naibulalas at biglang lumabas, tiyak magtatakip pa tayo ng ilong.

Inuulit ko, katuwaan lang naman, kaya walang mapipikon.

Narito na ang dapat parangalan sa ating bagong Kabag Awards, this time for the year 2003.

Director of the Year
Carlo Caparas. Walang kalaban si Caparas sa kategoryang ito. Siya lang naman kasi ang gumawa ng pelikulang hindi lubos na maiintindihan kahit tatlo, apat na oras o kahit buong araw pa panoorin–ang Chavit. Dahil nga maraming mga Ilocano dialogues ito na wala namang inilagay na subtitles na Tagalog upang maintindihan nating hindi galing sa Ilocos region.

Sa panalong Kabag Award sana regaluhan ni Caparas ang kanyang sarili ng isang scholarship sa filmmaking sa isang prestigious university sa USA. Para naman matutuhan na niya ang tamang paggawa ng pelikula!

Producer of the Year
Donna Villa. Sino pa ba ang most deserving kundi ang dating Marianne Patalinghod na gumasta raw ng P80 million sa "historical" na pelikulang Chavit. Ang siste, sa ganito kalaking budget na otsenta milyones, hindi pa siya nakapagsubi upang lagyan ng mga subtitles na Tagalog ang sangkatutak na Ilokano dialogues sa "makasaysayang" pelikula. Sa halaga ring ito, hindi pa siya nakabuo ng tunay na matinong pelikula.

Malay naman natin, baka bigyan din siya ng award ni Ambeth Ocampo ng National Historical Commission at hindi lang "kabag", baka totoong utot na!

Award Giving Body of the Year
PMPC Star Awards for Television. Di ba’t marami ang kinabagan sa mga ipinamigay na tropeo sa mga winners na maging sila ay hindi makapaniwalang nagwagi?

Kung ano ang criteria na ginamit ng magigiting na kasapi ng Philippine Movie Press club, sa pamumuno ng kanilang walang-bahid-dungis at ubod-talaga-ng-honest na si Julie Bonifacio, ang siyang nagbigay ng pinakamimithing pagkakataon sa mga likas na talinong talaga namang dapat magka-award.

Aba may darating pang PMPC Star Awards for Movies early 2004. Kung si Bonifacio pa ang lider, baka malampasan ang mga kabag sa TV awards. Malay natin, baka humakot ng Star Awards ang Chavit!

TV Quizmasters of the Year
Sen. Tito Sotto at Joey de Leon. Ang dalawang magiting na beterano ng telebisyong Pinoy ay dapat gawaran ng Kabag dahil sa kanilang tanong kung saan bansa sa Europa na ang pangalan ay may letrang "Z", galing ang sayaw na Lambada. Ang sagot nila "Brazil".

Kailan pa ba nakasama sa mapa ng Europa ang Brazil? Alam naman natin na nasa South America ito! Sina Senador Sotto at ang mayabang na si Joey de Leon, hindi kaya alam?

Sleeper of the Year
The Cory Quirino Story. Ito ang pelikulang dapat irekomenda sa mga may insomnia. Bumili na lang ng VCD o DVD nito.

Kapag di makatulog isalang ito sa inyong player at tiyak mahimbing kayong makakatulog dahil sa pagkabagot. Ewan ko lang kung may pirated copy nito, dahil kapag flop ang pelikula, ayaw patulan ng mga pirata.

Higit na mahimbing ang magiging pagtulog ng mga hindi gaanong marunong mag-Ingles dahil maraming mga English na parte ang pampatulog na ito, pati na ang mga narration ng English speaking na bida.

Manager of the Year
Geleen Eugenio. Buong kagitingang sinasabi ni Geleen Eugenio na: "I made JayR. Ibig niyang sabihin na siya ang alpha at omega kung bakit sumikat si JayR bilang singer.

Ito naman si Lola Geleen, nakalimutan yata ang nanay at tatay ni JayR na siyang unang gumawa sa Prince of R&B. At lalong naitsapwera ng dancing grandma si JayR mismo!

Kahit na sabihin pa ni Geleen na higit siyang mahusay na manager kaysa kay Angeli Pangilinan Valenciano, sisikat ba ang kanyang hawak kung walang talent? Bakit ang sarili ni Geleen hindi niya napasikat as a solo pop-dance diva kung magaling talaga siyang manager?

Kung walang talent si JayR at charisma sa tao, epek kaya ang manager role ni Geleen? Nakalimutan din ni Geleen na ang pagsikat ng isang newcomer ay isang team effort, maraming mga taong nagtulung-tulong. Kaya para angkinin niya lahat ng credit at sabihin "I made JayR, isang punung-punong tiyan ng kabag ang dapat sa kanya.

Concert (s) of the Year
– Ang dalawang pinaghating mga F2 Shows. Kumita ng milyones ang dalawang magkahiwalay na palabas ng mga taga-Taiwan. Tayo talagang mga Pinoy, basta banyaga kahit na ginogoyo na tayo tinatangkilik pa rin. Sukat ba namang magbayad kayo ng libu-libong piso upang panoorin ang concert daw na minus one ang ginamit. Teka, minus one ba o plus one?

AWARDS

CHAVIT

GELEEN

GELEEN EUGENIO

KABAG

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with