Nagtaka ako dahil kinabukasan dalawang imbitasyon ang tinanggap ko, una ay mula sa Captain Barbell para sa isang victory party dahil sa pangunguna nito sa takilya nung first day. Ang isa pang paanyaya ay nagbuhat sa PR ng Fantastic Man para rin sa pagiging No. 1 nito sa pitong pelikulang ipinalalabas sa mga sinehan nung opening day ng MMFF.
Sino ba talaga ang top-grosser? Bagaman at natutuwa ako na parehong malaki ang kita ng dalawang fantasy movies at kumikita rin ang ibang entries sa MMFF, mayron at mayroon isang pelikula na lalabas na pinaka-malakas sa takilya.
Alin sa Captain Barbell at Fantastic Man ang may karapatan sa titulo?
Both movies are megged by box office directors, si Tony Y. Reyes sa pelikula nina Vic Sotto, Ara Mina at Michael V at si Mac Alejandre sa pelikula nina Bong Revilla, Ogie Alcasid at Regine Velasquez.
Si Reyes din ang gumawa ng Lastikman, isa sa may pinakamalaking kita sa MMFF last year. Ito ay sa kabila nang nakasama ito sa huling dalawang pelikula na ipinalabas.
Si Alejandre naman, bagaman at first time gumawa ng fantasy film, ay nakagawa na rin ng mga pelikulang kumita sa box office, ang pinaka-huli ay ang Liberated ng Seiko na naglunsad sa mga careers nina Francine Prieto at Christian Vasquez.
As of presstime, nakausap ko si Ms. Hermie Go, isang line producer ng Viva Films at sinabi niyang close to P14M ang ipinasok na pera sa takilya ng pelikula ni Bong sa unang araw ng pagpapalabas nito.
Ayon naman sa booker ng Octo-Arts, no. 1 sila bagaman at wala itong figures na sinabi.
Sino man sa dalawang pelikula ang top grosser, let us be thankful na pinanood ng marami ang dalawang pelikula. At sana, patuloy pa itong suportahan ng mga manonood. Gayundin ang iba pang pelikula na kasali sa filmfest.
May advantage din ang pelikula sa mga kalaban nitong fantasy movies dahil mayron itong soundtrack. "Sayang naman ang pagiging musician ko kung di ko ito gagamitin sa pelikula," ani Ogie nang huli kong makausap. "Halos araw-araw nagtatawagan kami ni Bong. Nag-iisip kami palagi ng bagong teaser kasama si Direk Mac.
"Di namin inisip na trabaho ang ginagawa namin, kaya siguro nag-enjoy kami. Maski nga si Regine na sobrang busy ay nakipag-jamming sa amin sa trabaho."
Incidentally, maraming kissing scenes sina Ogie at Regine sa movie. "Pero, hindi ito torrid, mga smack lang. Di ako bagay sa mga torrid kissing scenes," sabing nakatawa ni Ogie.
Akala ko di ako mapapagod, yun pala, napagod ako sa pagpila sa pagbabayad ng aming mga binili sa supermarket. Pila rin sa bilihan ng Pansit ng Taga-Malabon, sa bakeshop at lalo na sa Chowking at Baliuag Lechon.Talagang ginabi kami dahil marami rin pala ang bumibili na lamang ng dating lutong ulam from chicken to pansit, to cakes.
Alam nyo, kung kayu-kayo lang, lutong ulam na lang, less ang trabaho, ang pagod at malaki pa ang katipiran. Ako, na-enjoy ko ang Christmas eve dahil hinintay ko na lamang ang Pasko sa pamamagitan ng paggawa ng bead curtain na natapos ko nung araw mismo ng Pasko. Dati-rati kasi, nauubos ang oras ko sa kusina. Pagkatapos pa ng kainan, sabak uli ako sa pagliligpit. Last Christmas eve, ang daughter ko ang naghugas ng pinggan, naglinis ng kusina. Nagprisinta kasi kakaunti ang hugasin at di narumhan ang kusina. O di bah!!!