Alex, susunduin ang mom niya para makadalo sa kasal ni Assunta

Aalis si Alessandra de Rossi bago mag-Bagong Taon papuntang Italy at ayon sa kanya, kasama niya ang kanyang ina sa pagbabalik niya sa bansa in time sa napipintong kasal ng kanyang kapatid na si Assunta kay Jules Ledesma.

Gusto ni Alex na magkita ang kanyang ina at kapatid para pag-usapan ang kasal at posibilidad na pagdalo ng kanyang ina sa kasal ng kapatid. Hindi naman naputol ang komunikasyon ng dalawa pero ayon kay Alex, di niya alam kung nagkasundo na ang dalawa simula noong sumama si Assunta kay Congressman Ledesma.

Nabanggit ni Alex na pagod na siya sa present set-up nilang magpa-pamilya at gusto na niyang magkasundu-sundo silang lahat para manahimik na rin silang lahat. Nakikipagngitian na si Jules at nakikipag-hi na rin itong si Alex sa kanyang brother-in-law kaya pwede nang sabihing papunta na sa magandang relasyon ang lahat na siyang inaasam-asam ni Alex para sa Bagong Taon. – Alex Datu

Show comments