Ayon kay Dingdong, saludo siya kay Direk Joey Javier Reyes bilang writer at director at hindi umano ito maramot sa pagbibigay sa kanya ng tips sa pagdidirek.
Ang Malikmata ay kaisa-isang horror film na nakapasok sa MMFF na nagsimula na noong December 25 at umaasa ang Canary Films big boss na si G. Orly Ilacad na isa ito sa mga top grossers.
Ang Malikmata ay siya ring kauna-unahang pelikula ni Dingdong na kasama sa MMFF.
Kung si Ogie Alcasid ay nakabingwit ng Miss Australia sa Miss Universe pageant na ginanap sa Pilipinas, hindi imposibleng masungkit din ni Marvin ang Miss Singapore.
Hindi ngayon zero ang lovelife ni Marvin although ayaw pa niyang kumpirmahin kung girlfriend na niya si Adelle.
Kaya sa December 28 pa aalis si Marvin pa-Singapore, dadalo pa siya sa gabi ng parangal ng MMFF ngayon, December 27 sa PICC dahil requirement ito sa mga artista na kalahok sa MMFF.
Samantala, Christmas wish pa rin ni Marvin at ng kanyang pamilya ang muli silang mabuo at mangyayari lamang ito kapag tuluyan nang nakalaya sa piitan ang kanyang ama.
Marami-rami na ring pelikulang pinagsamahan ang dalawang singer-comedian at TV host (all under OctoArts) at lahat ng mga ito ay box office hits. Noong isang taon ay muling magkasama ang dalawa sa megahit movie na Lastikman na kahit kulang ng isang linggong playdate ay nag-number 2 ito sa overall entries sa MMFF.
Ang tambalang Vic at Michael ay muling masusubok sa pelikulang Fantastic Man, isang bagong super-hero character na magkatulong na binuo nina Michael V. at Chito Francisco.
Hindi ikinakaila ni Bitoy (Michael V.) na mataas ang kanyang respeto at paghanga kay Vic dahil sa kabila ng tagumpay nito, nanatili itong simple at mapagkumbaba.
Kung si Vic ang Fantastic Man, si Bitoy naman ang gumaganap na Prof. James Manalo, ang mad scientist at si Vic naman ang kanyang clumsy assistant.
Ang Fantastic Man ay tinatampukan din nina Ara Mina bilang si Helen at Diabolika kasama sina Leo Martinez, Nanette Inventor, Marissa Sanchez, Jimmy Santos, Danica at Miko Sotto, Alicia Meyer, Valerie Concepcion, Christopher PJ Alonzo, Dick Israel at maraming iba pa.
Bukod sa pelikula, si Bitoy ay napapanood din sa dalawang top-rating programs sa GMA, ang long-running gag show na Bubble Gang at ang Celebrity Turns nila ni Lani Misalucha. Dalawa rin ang regular TV shows ni Vic, ang araw-araw na Eat Bulaga at ang sitcom na Daddy Di Do Du.