"Gusto kong magkaroon ng pangalan sa aking piniling propesyon sa sarili kong pagsisikap at di dahilan sa dala-dala ko ang pangalan ng aking ama, bagaman at kung di marahil sa aking ama ay hindi ako magkakaroon ng mga unang exposure. Kaming anim na magkakapatid ay kumanta sa Salute concert ng aming ama na kasama sina Chairman Bayani Fernando at Gen. Angelo Reyes. Lahat din ng mga TV guestings ko ay dun sa mga palabas na may kinalaman sa father ko," ang bungad ni Pipo sa launching ng album na pinamagatang "Akustik Natin Pana-Panahon" na nagtataglay ng 16 na acoustic songs na binigyan ng rendisyon ng mga popular artists na gaya ng Parokya ni Edgar sa kanilang cumbanchero version ng "Mr. Suave", si Noel Cabangon sa kanyang komposisyon na "Kanlungan", True Faith na may dalawang awitin, ang "Muntik Nang Maabot ang Langit" at "Huwag Na Lang Kaya", Bong Gabriels "Ang Aking Awitin", I-Axes "Akoy Sa Yo Ikay Akin", Artstart at ang kanilang "Misty Glass Window". JayRs "Bakit Pa Ba?" at si Jed Maddela sa kanyang "Because Of You". May tatlong awitin si Pipo sa loob, ang "Bakit Ngayon Ka Lang", "Fool 4 You", at "Ikaw Ang Lahat Sa Akin".
Dadalawang buwan pa lamang na professional singer si Pipo. Dalawamput dalawang-taong gulang siya, nasa ikalawang taon ng kanyang pag-aaral ng Development Studies sa Ateneo de Manila. "Pinaghalong political science ito at economics and management," sabi ng baguhan na umaming mas gusto niyang makilala bilang isang songwriter. Siya ang gumawa ng "Credo ng Laguna" na inaawit tuwing makakatapos ang flag ceremony at matapos awitin ang "Bayang Magiliw".
Magsisimula ang programa sa ganap na alas-6:00 ng umaga sa pamamagitan ng isang banal na Misa sa simbahan ng Nuestra Senora del Rosario at pagkatapos ay tutuloy sa Lopez National High School. Para sa karagdagang detalye tumawag kina LTO Asec. Anneli Lontoc, 921-9072, Myrtle Valencia, 0919-277-4640, Andrew Gutierrez, 9318751, Ingrid Manas Javalera, 890-4720 at Butchie Roman, 9307783.