^

PSN Showbiz

Pipo, ayaw sumikat dahil anak ni Joey Lina

- Veronica R. Samio -
Jose Alberto Lina ang buong pangalan ng baguhang artist ng Universal Records. Mas pinili niya ang pangalang Pipo kaysa Joey na siyang pangalan ng kanyang ama. Ikatlo na siyang nagtataglay ng pangalang ito. Junior ang kanyang ama ng kanyang lolo. Nang isilang siya ay ito rin ang pangalang ibinigay sa kanya. Panganay siya sa anim na magkakapatid na lahat ay kumakanta.

"Gusto kong magkaroon ng pangalan sa aking piniling propesyon sa sarili kong pagsisikap at di dahilan sa dala-dala ko ang pangalan ng aking ama, bagaman at kung di marahil sa aking ama ay hindi ako magkakaroon ng mga unang exposure. Kaming anim na magkakapatid ay kumanta sa Salute concert ng aming ama na kasama sina Chairman Bayani Fernando at Gen. Angelo Reyes. Lahat din ng mga TV guestings ko ay dun sa mga palabas na may kinalaman sa father ko," ang bungad ni Pipo sa launching ng album na pinamagatang "Akustik Natin Pana-Panahon" na nagtataglay ng 16 na acoustic songs na binigyan ng rendisyon ng mga popular artists na gaya ng Parokya ni Edgar sa kanilang cumbanchero version ng "Mr. Suave", si Noel Cabangon sa kanyang komposisyon na "Kanlungan", True Faith na may dalawang awitin, ang "Muntik Nang Maabot ang Langit" at "Huwag Na Lang Kaya", Bong Gabriel’s "Ang Aking Awitin", I-Axe’s "Ako’y Sa ‘Yo Ika’y Akin", Artstart at ang kanilang "Misty Glass Window". JayR’s "Bakit Pa Ba?" at si Jed Maddela sa kanyang "Because Of You". May tatlong awitin si Pipo sa loob, ang "Bakit Ngayon Ka Lang", "Fool 4 You", at "Ikaw Ang Lahat Sa Akin".

Dadalawang buwan pa lamang na professional singer si Pipo. Dalawamput dalawang-taong gulang siya, nasa ikalawang taon ng kanyang pag-aaral ng Development Studies sa Ateneo de Manila. "Pinaghalong political science ito at economics and management," sabi ng baguhan na umaming mas gusto niyang makilala bilang isang songwriter. Siya ang gumawa ng "Credo ng Laguna" na inaawit tuwing makakatapos ang flag ceremony at matapos awitin ang "Bayang Magiliw".
* * *
Sa Pebrero ng taong 2004, gaganapin ang Search for Campus Star sa The Pearl Manila Hotel. Inaanyayahan ang mga estudyanteng lalaki at babae, may edad 16 hanggang 21 taon na lumahok. Tumawag sa Marbella Events Management at hanapin si Espie Marbella 2500803/ 09192979795.
* * *
Magdaraos ng Grand Alumni Homecoming ang Batch 1978 ng Lopez Provincial High School (LPHS) ng Lopez, Quezon sa araw na ito.

Magsisimula ang programa sa ganap na alas-6:00 ng umaga sa pamamagitan ng isang banal na Misa sa simbahan ng Nuestra Senora del Rosario at pagkatapos ay tutuloy sa Lopez National High School. Para sa karagdagang detalye tumawag kina LTO Asec. Anneli Lontoc, 921-9072, Myrtle Valencia, 0919-277-4640, Andrew Gutierrez, 9318751, Ingrid Manas Javalera, 890-4720 at Butchie Roman, 9307783.
* * *
Totoo ang sinasabi ni direk Mac Alejandre na overworked na si Sarah Geronimo. Di na nga matanggal ang pamamaos nito dahilan sa kakulangan ng pahinga. Kung hindi siya maalagaan ng husto ng Viva ay baka madaling bumigay ang boses niya. Nung launching niya sa Viva ay halos pumiyok na ang boses niya na isang malaking no-no sa mga singers. Pati ang pag-aaral niya ay nahinto dahilan lamang sa kaabalahan niya. Kung gusto siyang sumikat ng husto ng Viva. Dapat pati pag-aaral niya ay maisingit nila sa kaabalahan nito.
* * *
Inaamin naman ni JayR na hindi siya gaanong bright kaya hindi na siya interesado na tapusin pa ang computer engineering na nasimulan na niya ng one year. Magku-concentrate na lamang siya sa kanyang pagkanta at dito, nakakakita pa siya ng isang bright future.
* * *
May plano palang pelikula para kina Vic Sotto at Kris Aquino. Kaya di nakapagtataka kung ma-revive yung tsismis sa kanilang dalawa. Di naman worried dito si Vic dahil, siguro may girlfriend siya at si kris naman ay balitang nakikipagmabutihang muli kay Joey Marquez.

AKUSTIK NATIN PANA-PANAHON

ANDREW GUTIERREZ

ANG AKING AWITIN

ANGELO REYES

CENTER

NIYA

PIPO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with