Tulungan natin ang mga taga-Leyte

Matutuwa ang mga followers nina Claudine Barretto at Piolo Pascual sa ibabalita kong ito. Ang pelikulang Milan: A Love Story ay nakatakda nang ipalabas sa February 11. Ito bale ang Valentine offering ng Star Cinema. This early ay nakatanggap kami ng feedback kung gaano kaganda ang movie.

Ang ginawa pala ng creative department ng Star Cinema ay pina-preview ang rushes ng movie sa iba’t ibang tao. Mula sa AB hanggang CD crowd at lahat sila ay nagsasabi na isa ito sa posibleng one of the best films of all time.

"Ang lakas din kasi ng chemistry nina Claudine at Piolo kaya nagrehistro ’yon sa screen. Ang ganda pa ng mga lines sa movies na lahat makaka-relate," kwento ni Roxy Liquigan, AdProm Director ng Star Cinema.

Inamin pala ni Olivia Lamasan, direktor ng movie na dream project niya ang Milan: A Love Story. Sa katunayan, base sa feedack, may ibang approach na naman na ginawa si Direk Olive sa movie.

May kwento na nakarating sa akin na at the time na in-edit ang movie sa Roadrunner, mismong mga direktor ng mga pelikula na kasama sa on-going Metro Manila Film Festival ay na-impress sa bagong obrang ito ni Direk Olive.

"She was given a freehand sa movie na ito," kwento ni Roxy. "From the scenes, cast and to the script. Tinutukan din ni Inang (tawag kay Olive Lamasan) ang editing. "Tapos, it was entirely shot pa in Europe. Ninety percent ng mga eksena, sa Europe, particularly sa Milan kinunan. Doon kasi nangyari ang love story ng central characters na sina Lino at Jenny."

Bongga ang Milan: A Love Story dahil magkakaroon ito ng European, US at Asian premiere sa January. Nakatakdang ipalabas ito sa iba’t ibang panig ng mundo. Nangako naman sina Claudine at Piolo na dadalo sa mga nasabing premiere for the benefit of our Pinoy kababayan.
* * *
Nakausap ko si Mrs. Beth Jones, ang often misunderstood mother ni Angelica Jones sa Christmas party ng The Buzz na ginanap noong Sunday sa bagong bukas na Solas Bar & Restaurant along Mother Ignacia Street. Ani Mommy Beth, wala silang masasabi sa mga magagandang nangyari sa career ng kanyang anak kundi pasasalamat.

"Anak, akala ko noon, wala nang mangyayaring maganda sa career ni Angie (palayaw ni Angelica). Dagsa ang offers niya to do bold e ayoko naman. Ayaw din niya. Mabait talaga ang Diyos na hindi Niya hinayaang ma-tempt kami na tanggapin ang mga offers na ’yon. Hanggang ngayon nga, may offers pa rin si Angie na mag-bold. Pero huwag na lang muna," sabi ni Mommy Beth.

"Siguro, kalooban ni Lord na hindi kami matuloy sa America. Kasi nga may maganda palang naghihintay sa anak ko rito sa Pilipinas," kwento pa ni Mommy Beth.

Masaya si Beth dahil ngayon pa lang ay nakakasiguro na ang kanyang anak ng mga projects next year mula sa telebisyon, recording, endorsements at movies. Si Angelica ay nasa pamamahala ni Freddie Bautista.
* * *
Naku, Ate Vero, pagbigyan mo ako sa panawagan na gagawin ko para sa tulong sa mga sinalanta ng trahedya sa Leyte, Surigao, Agusan at Compostela Valley. Nakakalungkot na kung kailan Kapaskuhan ay nangyari pa ang trahedya. Hindi biro ang mawalan ng mahal sa buhay sa panahon kung kailan dapat ay nagsasaya tayo dahil Pasko.

At sa mga ganitong pagkakataon, umiiral talaga ang generosity ng mga Pinoy. Nanguna ang ABS-CBN Foundation sa pagtulong sa mga biktima. Kaya personal ang panawagan ko sa mga artista, movie producers, talent managers, pulitiko, mga kababayan na naninirahan sa ibang bansa, mga malalaking korporasyon at mga pribadong indibidwal na nakakaangat sa buhay.

Para sa inyong donasyon at tulong which can be in the form of cash, pagkain, gamot at damit, pwede kayong tumawag sa hotline ng ABS-CBN Foundation at 411-0846 o 416-0387.

Sa totoo lang po, at the end of the day, wala nang sasarap pa sa pakiramdam na nakatulong tayo sa mga kababayang nangangailangan ng ating tulong.

Let us all make this season a memorable one by sharing our blessings to those who need it.
* * *
You can send your comments and reactions to ericjohn salut@yahoo.com.

Show comments