Ang pagdiriwang na ang theme ay Filipiniana ay nagsimula sa ika-apat ng hapon at natapos ilang minuto makaraan ang ika-9 ng gabi.
Naunang dumating si Diana Zubiri na kasama ang aming kapatid sa hanapbuhay at manager niya na si Jojo Gabinete. Nagparinig siya ng dalawang awitin sa kasiyahan ng lahat.
Fortunately, lahat ng mga bisita ay nagkaroon ng audience participation. Nakipagsayaw sila, nakipagkantahan sa mga empleyado ng Pilipino Printing sina Gwen Garcia ng Viva Hot Babes, Hanni Miller at Yda Manzano, mga artista ni Richard Hiñola, Maye Tongco, Rajah Montero at Anne Borromeo, mga alaga ni Bing Tongco na dala-dala naman ni Rodel Fernando.
Mayrong dumating na mga singers, sina Sharmaine Santiago of the Mayumi TV fame, Aimee Torres na hindi rin patatalbog sa mga kapwa nila guests sa paseksihan.
Pero, ang pinaka-star ng party ay mismong ang mga manggagawa na bawat departamento na naghanda ng kani-kanilang production number, mula sa maglalatik, tinikling hanggang sa subli dance na nilagyan ng flavor ng mga bagong kanta gaya ng "Otso-Otso" at "Spageti".
Bukod sa mga malalaking cash prizes, nakapag-uwi rin sila ng mahahalagang gamit sa bahay.