Dahil sa commercial, nagbukas daw ito ng mas maraming oportunidad sa kanyang singing career. Dumami rin daw ang nagkainteres na marinig ang tipo ng kanyang musika.
Narinig ko siyang kumanta sa kanyang regular gig sa Dome Restaurant sa Shangri-la Edsa. Hindi na ako nagulat na marami ang humahanga sa kanyang talino sa pagkanta at maging sa galing nitong tumugtog ng gitara na natutunan niyang mag-isa nung 10 sampung taong gulang siya. Pero, kumuha siya ng classical guitar sa UP Diliman.
Bata palang daw ay hilig na niyang kumanta. Madalas siyang isali sa mga singing contest ng kanyang tatay, pero lagi daw niya itong tinatakbuhan dahil sa lakas ng kanyang stage fright noon. Pero wala naman daw siyang mintis sa pagsama sa pagka-caroling nung bata siya.
In house talent si Noel ng Jesuit Music Ministry ng Ateneo. Abala siya sa mga social commitment kabalikat ang JMM, kaya ganun na lang kalawak ang musika nito pagdating sa mga social issues. Pero marami ring mga likhang awitin si Noel na mga love songs. Siya rin pala ang kumanta ng theme song ng Chavit. Kinuha siya ni Cesar Montano dahil nagkatrabaho na sila sa album na "Subok Lang" ng action star. Kilala na ang kalibre ni Noel pagdating sa musika kaya marami na siyang nakakatrabaho sa music industry.
Ngayong Pasko ay may album din si Noel na pinamagatan niyang "Noel". Naglalaman ito ng 14 songs tulad ng "The First Noel," "Pasko Na, Pasko Na!," "Pasko Dito Sa Amin," "Pasko Na Sinta Ko," "Huling Hiling," "Nahan ang Tapat Mong Pagsinta," "Nang Ikaw ay Dumating," "Naroon Sa Rosas ang Mahal Nyang Dugo," "Pamaskong Pangarap," "The Christmas Song," "Hey, Happy Holiday," "Natutong Umibig Muli," "Diva ng Pasko," at "Happy Christmas."
Nabuo ang organisasyong ito sa adhikaing makatulong sa mga kapuspalad na mga batang Pinoy. Imagine, habang ang ilan sa atin ay abalang mamili ng mga Pamasko para sa kani-kanilang sarili, samantalang ang mga batang ito ay pinili na iwanan ang kanilang pamilya sa London para lang makapagbigay saya at tulong sa mga kapwa nila paslit na mahihirap at may sakit. Kaya kung may extra kayong blessing, hwag po nyong kalimutang bumili ng album dahil ang benta nito ay mapupunta sa mga institution na tinutulungan ng grupong Sampaguita katulad ng mga batang may cancer na naka-confine ngayon sa PGH.