Apir Tayo Masayang Pasko, gold na rin

Masayang ibinalita ng Harmony Music na ang album na "Apir Tayo, Masaya ang Pasko" ay nakakuha na ng gold record award.

Ang naturang album na naglalaman ng sikat na "Spageti Christmas Medley" na siyang kauna-unahang Christmas Medley na napapakinggan sa ere ay bumenta ng mahigit 15,000 copies.

Ang "Apir Tayo, Masaya ang Pasko" ay isang non-stop Christmas dance compilation album na naglalaman ng apat na magagandang medley– Sex Bomb Medley, "Bakit Papa Medley", "Pretty Little Baby" at "Spageti Christmas Medley".

Ang bawat medley ay sinisimulan ng isang popular tune na nilagyan ng bagong lyrics na siguradong magugustuhan ng young at old alike. Ang paglalagay ng bagong lyrics ay maggagarantya ng isang napakagandang blend ng bago at lumang traditional Christmas tunes na nag-aanunsyo ng pagdating ng Pasko. Ang mga traditonal songs na kasama sa album ay "I Saw Mommy Kissing Santa Claus", "Jingle Bell Rock", "Silver Bells", "O Holy Night", "Winter Wonderland", "Christmas Alphabet" at marami pang iba.

Ang "Apir Tayo, Masaya ang Pasko" album ay mabibili na ngayon sa lahat ng record bar.

Show comments