Makakasama rin daw si Snooky na official Kapamilya na ng ABS-CBN dahil kasama ang actress sa nasabing teleserye.
Matagal nang may plano ang ABS-CBN kina Claudine and Piolo na teleserye pero mukhang ngayon lang matutuloy.
Nakita nyo na ba yung magazine? Ang pungay pa nga ng mga mata niya, paano niya sasabihing pinilit siya. Marami nang nababaliw sa ginagawa ni Maui. Feeling nila, purely gimmick lang ang lahat para maka-recover siya sa naghihingalong career.
Samantalang kung hindi siya umalis sa Viva, sana in-demand pa siya dahil hit na hit ang first single ng Viva Hot Babes na Bulaklak.
Talagang pinagkakaguluhan lahat ng puntahan ng Viva Hot Babes. Pero come to think of it, parang hindi naman siya nami-miss ng tao kasi marami naman siyang kapalit like Jaycee na mas may height at mas magaling magsalita kesa kay Maui.
Ngayon tuloy, wala siyang ginagawa kundi mag-isip kung anong susunod niyang move para magpapansin.
Grabe kasi ang effects. Importante kasi yun sa mga batang nanonood. Para ka talagang nanood ng Matrix sa pelikulang to na lutang na lutang sa mga trailer ng movie. "Na-over budget kami diyan dahil sa rami ng mga ginamit naming effects," sabi ni Bong.
Kahit nga sa last movie ni Bong na Agimat last year, admitted siya na mas malaki ang Captain Barbell, in terms of production and budget. "Lahat talaga binigay na namin dito."
Bukod sa special effects, may kilig factor din ang movie - sa kanila ni Regine Velasquez particular na nong lumilipad sila sa sky.
"Ang ganda nga eh," susog ni Bong.
Maganda ang appearance ni Bong sa movie dahil forced to good siyang magpapayat dito. "Wala kasi akong kinakain non kundi kamote, boiled egg, talagang strict diet, walang choice. Hindi ako kumakain ng rice. Kaya pagkatapos ng shooting, talagang bumawi ako ng kain. Kasi nagkaroon din ako ng allergy. Naging sensitive ang skin ko. Madali akong magka-allergy," he said.
Anyway, bukod daw kasi sa special effects, may love angle din ang movie kaya hindi lang mga bata ang makaka-relate kundi ganoon din ang mga parents ng bagets.
Magkakaroon ng premiere night ang Captain Barbell on Sunday sa SM North Edsa, 8 p.m.
Anyway, i-endorse ni Bong kay Pres. Gloria Macapagal Arroyo si Edu Manzano bilang chairman ng Videogram Regulatory Board (VRB).