^

PSN Showbiz

Barbie Xu, pasok sa teleserye nina Piolo at Claudine

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Definite na ang telenovelang pagsasamahan nina Piolo Pascual and Claudine Barretto with Barbie Xu. Ayon sa source, by January magi-start na ang taping ng nasabing teleserye na wala pang title.

Makakasama rin daw si Snooky na official Kapamilya na ng ABS-CBN dahil kasama ang actress sa nasabing teleserye.

Matagal nang may plano ang ABS-CBN kina Claudine and Piolo na teleserye pero mukhang ngayon lang matutuloy.
* * *
It looks like, wala na ngang babalikang career si Maui Taylor after niyang magsalita ng kung anu-ano against Viva na nagbigay ng break sa kanya para magka-career. Agree din ako sa advice ni Sen. Loren Legarda na bumalik na lang siya sa pag-aaral. Kasi mas lalo lang magagalit sa kanya si Sen. Loren pag napanood niya ngayong hapon sa Startalk ang previous interview ni Maui na ire-replay kung saan sinabi niyang nag-all the way siya sa Hot Stuff magazine. Sa interview na ‘to na ire-replay, I’m sure matitigil na si Maui.

Nakita n’yo na ba ‘yung magazine? Ang pungay pa nga ng mga mata niya, paano niya sasabihing pinilit siya. Marami nang nababaliw sa ginagawa ni Maui. Feeling nila, purely gimmick lang ang lahat para maka-recover siya sa naghihingalong career.

Samantalang kung hindi siya umalis sa Viva, sana in-demand pa siya dahil hit na hit ang first single ng Viva Hot Babes na Bulaklak.

Talagang pinagkakaguluhan lahat ng puntahan ng Viva Hot Babes. Pero come to think of it, parang hindi naman siya nami-miss ng tao kasi marami naman siyang kapalit like Jaycee na mas may height at mas magaling magsalita kesa kay Maui.

Ngayon tuloy, wala siyang ginagawa kundi mag-isip kung anong susunod niyang move para magpapansin.
* * *
Sa trailer pa lang, feeling ko sure na na no. 1 ang Captain Barbell starring Bong Revilla, Regine Velasquez, Ogie Alcasid among others.

Grabe kasi ang effects. Importante kasi ‘yun sa mga batang nanonood. Para ka talagang nanood ng Matrix sa pelikulang ‘to na lutang na lutang sa mga trailer ng movie. "Na-over budget kami diyan dahil sa rami ng mga ginamit naming effects," sabi ni Bong.

Kahit nga sa last movie ni Bong na Agimat last year, admitted siya na mas malaki ang Captain Barbell, in terms of production and budget. "Lahat talaga binigay na namin dito."

Bukod sa special effects, may kilig factor din ang movie - sa kanila ni Regine Velasquez particular na no’ng lumilipad sila sa sky.

"Ang ganda nga eh," susog ni Bong.

Maganda ang appearance ni Bong sa movie dahil forced to good siyang magpapayat dito. "Wala kasi akong kinakain no’n kundi kamote, boiled egg, talagang strict diet, walang choice. Hindi ako kumakain ng rice. Kaya pagkatapos ng shooting, talagang bumawi ako ng kain. Kasi nagkaroon din ako ng allergy. Naging sensitive ang skin ko. Madali akong magka-allergy," he said.

Anyway, bukod daw kasi sa special effects, may love angle din ang movie kaya hindi lang mga bata ang makaka-relate kundi ganoon din ang mga parents ng bagets.

Magkakaroon ng premiere night ang Captain Barbell on Sunday sa SM North Edsa, 8 p.m.

Anyway, i-endorse ni Bong kay Pres. Gloria Macapagal Arroyo si Edu Manzano bilang chairman ng Videogram Regulatory Board (VRB).

BARBIE XU

BONG REVILLA

CAPTAIN BARBELL

CLAUDINE AND PIOLO

CLAUDINE BARRETTO

MAUI

REGINE VELASQUEZ

SIYA

VIVA HOT BABES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with