Ang syensya ng pagpapaganda ay most-in demand sa panahong ito. At maski na hindi doktor at isa lamang beautician, pinupuntahan na ng mga may problema kundi man sa balat ay sa kanilang itsura.
Marami ang kumukumbinsi sa aking anak na magpakadalubhasa sa dermatology, may pera raw dito. Nasa ikatlong taon na siya sa medicine proper pero, ang puntirya niya ay pediatrics.
Isa sa pinaka-magandang couple na nakilala ko ay ang mag-asawang Dr. Manuel at Dra. Pie Calayan, isang plastic surgeon at dermatologist. Sila ang nasa likod ng matagumpay na Cosmetiderm, cosmetics and laser service center. Kung sila ang endorser at image model ng kanilang propesyon at negosyo, siguradong pupuntahan mo sila dahil, kainggit-inggit ang kanilang mga balat. Bukod pa sa pangyayaring isinilang silang magaganda.
Kaya naman puntahan sila ng mga artista na hindi man nila sabihin ang pangalan para sa proteksyon ng mga ito bagaman at ang mga nakasama namin nung Christmas party nila ay umaming sumasailalim sila sa pag-aalaga ng mag-asawang doktor para kuminis ang kanilang mga balat. May ilang nagsabi na nagpapa-contour sila ng mukha. Ilan lamang ang gustong sumailalim sa liposuction bagaman at mas marami ang nagpapa-lipo-dissolve.
Mabilis din ang pagsikat ng Weigh Less Center ng Mendez Medical Group sa pamumuno ni Dr. Joel Mendez, pangulo ng Philippine Anti Ageing Society at ispesyalista sa Bariatric Medicine, medical specialty ng weight control. Kabubukas lamang ng pinaka-bago nilang branch sa 5th floor ng Megamall, Bldg A.
Ang Weigh Less Center na ginaya sa Weigh Less Center ng Maryland, USA ay nakuha na ang weight management program ng kanyang US counterpart. Isa itong kakaibang medical program ng isang doktor na nagsanay sa US at nangangako ng NO EXERCISE, NO DIET, NO THERMAL WRAP, NO SURGERY and NO SWEAT para sa mga sasailalim sa programa.
Ilan sa mga serbisyong ibinibigay ay ang Weight Loss Program, Weight Gain, Botox, Rosy Peel, Skin Whitening, anti agening, Plastic & Cosmetic Surgery, Liposuction, Breast Augmentation, Nose Lift, Treatment of Varicose Veins, Dermatology, Dental & Spa Services.
Kakaibang pelikula ang entry ng Seiko sa filmfest na nagtatampok sa dalawang beteranang aktres (Dina at Cherry Pie) sa mga kakaibang roles. Kung dati ay hinahangaan sila dahilan sa kanilang husay mag-drama, dito ay nagpakita sila ng galing sa pagpapatawa. Napaka-galing ni Direktor Jeffrey Jeturian na naalalayan sila ng husto para maipamalas nila ang requirement ng kanikang mga roles. Kung humanga kayo sa Sex In The City, ito ang local version nito.