Cory, tatapatan si Kris sa pagka-senadora

Halatang nagbibiro lamang si Ms. Cory Quirino nang sabihin nitong handa siyang kalabanin si Kris Aquino sa pagka-senadora sa darating na eleksyon sa taong 2007. Dagdag pa nito, pwedeng simulan ang laban sa mga sandaling yon na sinuklian ng halakhakan sa loob ng isang bar sa Ayala Avenue kung saan ginaganap ang presscon ng bagong TV show ni Ms. Cory Quirino na malapit Nang mapanood sa Channel 23.

Ayon pa rin sa kanya, gusto niyang manawagan sa mga kababaihan na gumising at punuin ang Senado ng mga babae dahil naniniwala siya na ang women power ay malakas. Hindi nakakapagtaka sa katulad niya na mauwi sa pulitika sa malapit na panahon dahil apo siya ng dating Presidente Elpidio Quirino. "I think my heart has always been in politics because it’s in my blood. Iyong pagsisilbi ko, it can come in different ways like right now, I’m active in Rotary.

Nagsimula nung Dec. 3 ang initial presentation ng The Cory Quirino Show, 11:30 p.m. sa Studio 23. Sa naturang palabas ay magpapakita sila ng mga lugar na kaaya-ayang puntahan, mga iba’t ibang klaseng katutubo at mga bagay na makakamangha sa inyo. Ipapakita rin dito ang sikreto ng Fountain of Youth sa parteng "Forever Young."

Ayon pa rin sa kanya, may pagkakaiba ang kanyang lifestyle TV show kaysa mga programang hinu-host ni Charlene Gonzales at yong sa GMA-7 na iba-iba ang host. "Mas committed ang aking show sa body, mind and spirit concept na ang ibig sabihin ay ugat ng kagandahan. Ang pinaka-ugat ay kalusugan na kung di ka mag-iingat sa katawan mo at pagkain mo ay hindi mo mahal ang katawan mo." —Alex Datu

Show comments