Sa taong ito, nakakagulat na nagbigay ng Christmas party si Angelica Jones sa press. Nakakagulat dahil sa taong ito lamang nagsisimulang bumongga ang kanyang career.
Baka nga di pa siya nakakabawi sa gastos niya sa maraming taon ng paghihintay na mapansin siya.
At hindi basta party ang ibinigay niya, hindi lang dyan sa tabi-tabi kundi sa isang malaking kainan sa West na kung saan ay halos mapuno ito hindi lamang ng mga movie writers kundi maging ng mga regalo na hindi mo sasabihing basta- basta lamang dahil parang kasing-lalaki na ito ng bahay (exaggerated na ito) at talagang napakarami.
Tuwang-tuwa talaga yung press lalo na yung mga walang pirmihang pinagsusulatan and, ergo, walang pirmihang kita dahil kahit papaano ay may tinanggap silang Pamasko.
Hindi kataka-taka kung patuloy pang magniningning ang career ni Angelica, ang flawless beauty dahil marunong siyang mag-share, di siya maramot. At dahil marunong din siya at walang sawa kung manalangin sa Diyos.
In January next year, may gagawin siyang pelikula sa Star Cinema, ang gumawa ng Mr. Suave. Malapit na ring maging gold ang "Miss Flawless", isang cut sa "Otso Otso" album ng Star Records. May offers din ang Bastat Kasama Kita people ng mga concerts sa abroad. At dahil kasama sa cast si Angelica, siguradong makakasama siya sa biyahe.
Sa Enero 23, may concert siya sa Ratsky Morato. Birthday concert niya ito. Palagi niya itong ginagawa dahil naniniwala siya na isang magandang buwena mano ito.
Boyet is a most awarded actor in local movies Relasyon, Broken Marriage, Biktima, My Other Woman, Dolzura Cortez, Babangon Ako at Dudurugin Kita, Ipagpatawad Mo, Kapag Napagod ang Puso, Tinimbang Ka Ngunit Kulang, ay ilan sa mga magaganda niyang pelikula na kung saan ay nanalo siya ng award.
Manalo kaya siya ulit sa Mano Po 2? "No expectations pero, I just do my best, my very best in every movie," sabi niya.