A new diva is rising

Matapos ang ilang serye ng mga concerts, sa loob at labas ng Maynila na tinaguriang diva na si Jeni, na ang pinaka-huli ay nagtampok sa kanya kasama sina Priscilla Almeda at Aubrey Miles at sina JayR at Nyoy Volante, na ginawan pa ng MTV ng film director na si Joven Tan at kinunan ng cinematography ng hall of famer na si Romy Vitug sa Anilao, Batangas, naghahanda na si Jeni para sa mga Christmas and corporate shows.

"Hindi ako sure na ganito ako tatanggapin ng tao. I just want to sing pero, it seems may mga nakalaan pa sa aking ibang challenges, like the movies. Hindi ko alam, bahala na rito ang manager ko na si Dondon Monteverde. Siguro kung inaakala niyang makakatulong sa aking career ang maging artista sa pelikula, I’m sure tatanggap din siya ng mga ganitong assignments para sa akin," say ng mabilis na sumisikat na diva.

"Wow, I’m flattered to be called a diva and I hope mapunan ko ang expectation ng tao," sey pa ni Jeni.

Show comments