Hanggang sa US balita ang balikang Kris/Joey

Sa totoo lang, sa ilang buwan na pinanonood ko ang Teysi ni Tessie Tomas, there’s this segment ng show na gustung-gusto ko. Ito ’yung "Take It Eysi" kung saan pinaghaharap ang dalawang taong nagkaroon ng alitan. Inaalam ang pinagmulan ng alitan at kinukuha ang bawat panig. Hanggang sa huli ay nagkakapatawaran ang bawat isa.

Nariyan na pinaghaharap ang mga taong nagkaproblema sa utang sa pera, sa basura sa harap ng bahay, may uod sa ulam na binili at marami pang iba.

Minsan ko na ring pinagdudahan ang segment na ito dahil lubhang mahirap na pagharapin ang dalawang taong nag-aaway on national television. Pero sa tuwina ay nakakapag-present talaga ang show ng mga people involved.

"Totoo ang mga ’yun! Mahusay talaga ang mga researchers ng show at ang coordinator namin sa common tao," sabi ni Ms. Ethel Manaloto-Espiritu, supervising producer ng Teysi.

Ibinalita rin sa amin ni Ms, Ethel na kampante na sila sa rating ng show. Inamin nito na noong unang buwan ng show ay nahihirapan sila pero nang maglaon ay nakuha na nila ang malaking viewership.

Ilan pa sa mga nakakatuwang segments ng show ay ang "Mula Sa Piso" ni Dominic Ochoa kung saan binigyan katuparan ang simpleng hiling ng isang bata. Isinasakatuparan naman ito sa pamamagitan ng text. Marami na ring natulungan ang segment na ito sa pamamagitan ng bawat text (piso kada text) na sini-send.
* * *
May mga tao talagang walang magawang mabuti. ‘Tulad na lamang ng isang tao na nagkalat ng text na pumanaw na si Piolo Pascual. Ayon sa text na natanggap ng ilang malapit sa aktor, namatay daw si Piolo sa isang car accident sa New York. Habang si Bernard Palanca naman daw ay malubhang nasugatan.

Isa sa mga nakatanggap ng text message ay si Tita Cristy Fermin. So, natural na ma-tense ang nanay-nanayan ng aktor. Kaya agad itong gumawa ng paraan para makontak ang aktor. Sa pamamagitan ng ina ni Piolo, si Mommy Amelia ay nakuha ni Tita Cristy ang impormasyong hindi totoo ang balita. Dahil habang kalat ang masamang balita kay Piolo dito sa Pilipinas ay mahimbing na natutulog ang aktor sa kanyang hotel room sa Manhattan.

Pinabulaanan na rin ni Deo Endrinal ang naturang balita. Si Deo ang kasama nina Piolo, Bernard, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Jericho Rosales at Kristine Hermosa na nagkaroon ng series of shows sa Canada at Amerika. Kasama sana ako sa grupo sa New York pero hindi ako nakasunod dahil may kailangan akong ayusing importanteng bagay sa Los Angeles at San Diego.

Pawang successful ang shows ng Hunks at Kristine sa Amerika at Canada. First time ng grupo na mag-show sa nasabing lugar at nakita nila ang suporta ng mga kababayan natin sa kanila. Nag-shoot din si Piolo sa New York ng music video ng isa sa mga kanta niya. Si Carlos naman ay nakagawa ng isang episode ng Victim na buong-buong kinunan sa New York. Christmas presentation ito ng said show.

Kagabi, Huwebes ay dumating na ang grupo.
* * *
Hanggang America ay usap-usapan ang pagbabalikan diumano nina Kris Aquino at Mayor Joey Marquez. Panay ang kulit sa akin ng mga kamag-anak ko at mga kababayan natin kung totoo ang balita. At the time na nasa States ako, wala pa akong kumpirmasyon sa balita. Ang tanging alam ko ay nakakatanggap ako ng text messages tungkol sa lihim na pagkikita diumano nina Kris at Mayor Joey.

Nasubaybayan ng mga kababayan nating Pinoy ay kontrobersya kina Kris at Mayor Joey. Nakiluha sila kay Kris at nakisimpatya. Ang pakiusap nila ay huwag naman daw sana. Dahil isang malaking katangahan na kay Kris kung makikipagbalikan siya sa actor-politician matapos ang nangyaring gulo sa kanila.

Hanggang noong isang gabi sa TV Patrol (sa interbyu ni Mario Dumaual) ay inamin na rin ni Kris na totoong nag-uusap sila ni Joey. May mga kondisyon si Kris kay Mayor Joey bago niya ito balikan. Inamin din ni Kris na mahal na mahal pa rin niya si Mayor Joey.

The latest we heard ay balik-The Buzz si Kris. This Sunday ay tatlo na sila nina Tito Boy Abunda at Tita Cristy ang host ng The Buzz.
* * *
You can send your comments and reactions to ericjohnsalut@yahoo. com

Show comments