Ginagampanan ni Kris ang role ng batang Susan Roces, hindi man malaki pero may challenge.Bukod dito, isang avid Susanian ang kanyang inang si former president Cory Aquino.
Years back, nanalong Urian Best Actress si Kris para sa pelikulang Fatima Buen ng Regal Films.
Si Kris ay isang orihinal na Regal baby na siyang gumawa ng mga blockbuster na Pido Dida at nagbigay kay Kris ng titulong comedy queen.
Dinirek ang Mano Po 2 ni Erik Matti base sa istorya nina Mother Lily Monteverde at Roi Iglesias.
Bukod sa kanila ni Susan Roces, kabilang din sa pelikula sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Zsazsa Padilla, Judy Ann Santos, Jay Manalo, Carmina Villaroel, Alessandra de Rossi, Cogie Domingo, Richard Gutierrez, Zoren Legaspi, Karylle at Chynna Ortaleza.
In the future, Kris hopes to serve the public in an elective post following in the footsteps of her mother and father. Pero, sa ngayon, masaya si Kris bilang TV queen, occasional actress, doing films she can be proud of, like Mano Po2.