^

PSN Showbiz

Kris Aquino, the birth of an actress

-
Isa sa mga unang nai-cast sa Mano Po 2 si Kris Aquino. Kahit di pa sigurado sa role na gagampanan niya dahil pakiramdam ng Regal, siya ang link between MP2 at ang orihinal na pelikula,na nagbigay buhay sa pagiging aktres niya nang manalo siya ng sunud-sunod na award para sa kanyang role bilang isang masunuring Chinese wife sa kanyang asawa.

Ginagampanan ni Kris ang role ng batang Susan Roces, hindi man malaki pero may challenge.Bukod dito, isang avid Susanian ang kanyang inang si former president Cory Aquino.

Years back, nanalong Urian Best Actress si Kris para sa pelikulang Fatima Buen ng Regal Films.

Si Kris ay isang orihinal na Regal baby na siyang gumawa ng mga blockbuster na Pido Dida at nagbigay kay Kris ng titulong comedy queen.

Dinirek ang Mano Po 2 ni Erik Matti base sa istorya nina Mother Lily Monteverde at Roi Iglesias.

Bukod sa kanila ni Susan Roces, kabilang din sa pelikula sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Zsazsa Padilla, Judy Ann Santos, Jay Manalo, Carmina Villaroel, Alessandra de Rossi, Cogie Domingo, Richard Gutierrez, Zoren Legaspi, Karylle at Chynna Ortaleza.

In the future, Kris hopes to serve the public in an elective post following in the footsteps of her mother and father. Pero, sa ngayon, masaya si Kris bilang TV queen, occasional actress, doing films she can be proud of, like Mano Po2.

BUKOD

CARMINA VILLAROEL

CHYNNA ORTALEZA

COGIE DOMINGO

CORY AQUINO

ERIK MATTI

FATIMA BUEN

JAY MANALO

JUDY ANN SANTOS

MANO PO

SUSAN ROCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with