Lahat ng kasali sa Starstruck at kahit yong natatanggal ay puro mga gwapo, maganda at may potensyal sa akting.
Minsan ay may tumawag sa aking kaibigang kolumnista at ibinalitang may bago na ring programa ang ABS-CBN na pinamagatang Star Circle Quest. Ginaya nila ang format ng Starstruck at linggu-linggo ay nagtatanggal din sila ng talent gaya ng ginagawa ng Siyete." Wala ba silang originality?" pahayag ng aking kaibigan.
Hindi ko palalampasin na panoorin ang bagong programang ito ng Dos para malaman kung totoo ngang nanggagaya sila sa Siyete.
Masaya rin ang kanyang lovelife. Pitong taon na ang relasyon nila ng businessman na si Ralph Moore.
Hindi rin payag si Hilda na pasukin ang showbiz ng kanyang mga anak na babae.
Natutuwa ito dahil kasama siya sa Crying Ladies sa MMFF. Saludo siya sa pagiging cool na direktor ni Mark Meily. "Di siya gaya ng ibang mga direktor na temperamental at wala na yatang ginawa kundi sumigaw nang sumigaw kaya apektado rin ang beauty ko," aniya.
May tsismis na may anak na ang dalawa at nasa Amerika raw ito na madalas dalawin doon ni Toni.
Pinabulaanan ni Dingdong ang balita at sinabing kung totoo man ito ay hindi nila ito itatago dahil blessing ito at ipagmamalaki pa sakaling totoo ngang may anak na sila.
Sa kabilang banda, hanga kami sa galing umarte ni Dingdong sa Twin Hearts katambal si Tanya Garcia.
Malalaki na ang mga anak na lalaki ni Lorna na sina Renz at Ralph na parehong nag-aaral sa Ateneo. Nanliligaw na rin ang mga ito kaya walang mapaglibangang bata sa bahay. Kung pwede nga lang ay gustong ampunin ni LT si Chelsea.
Matapos ang show ay nagtsikahan ang dalawa at sabay na umalis. Ayon sa aking source ay dinala ng aktres ang dancer sa kanyang condo.
Ang sexy actress ay kontrobersyal at mahilig sa gimik kaya laging napag-uusapan. Dahil din sa gimik ay mabilis itong nakagawa ng pangalan at bukod sa pagbibida sa pelikula ay laging guest sa TV.