Dolphy binabantayan ang TV film bio ni Alma Moreno

Sa pinakahuling balita ay hindi na gagawa ng legal action si Dolphy tungkol sa pagsasadula ng buhay ni Alma Moreno kung saan alam ng komedyante na makakalkal ang kanyang buhay at ng mga mahal niya sa buhay.

Aniya, walang problema sa kanya kung ang ipakikita rito ay kung bakit niya iniwan si Alma pero iyong palalabasin siyang kontrabida, mas mabuting huwag na raw siyang isali sa naturang lifestory.

Kunsabagay, hindi lang basta kung sinong tao ang comedy king dahil iniidolo siya ng nakararami. Alam nito na masisira siya at mapapanood ito ng maraming tao. Alam niyang mauungkat muli ang nakaraan at maraming mga taong madadamay tulad ng mahal niyang si Zsazsa Padilla na gusto niyang pakasalan sa lalong madaling panahon.

Medyo nakumbinsi ang comedy king kaya’t pumayag na raw itong isali siya sa talambuhay ng ina ng kanyang anak na si Vandolph pero may kondisyon daw itong ibinigay. Dapat daw ay ipakita muna sa kanya ang finished product ng lifestory ni Alma bago ito ipalabas sa Magpakailanman ng GMA 7. – AD

Show comments