Kapatid ni Rizal ang lola niya!

Maaaring hindi kayo maniwala pero dugo ng isang bayani ang nananalaytay sa ugat ng baguhan sa showbiz na si Jill Yulo.

Myembro ng Star Circle Batch 11 ang freshman na ito sa high school sa Distance Learning Center ng ABS CBN. Hindi rin siya naiinip kahit wala pa siyang permanenteng show sa naturang istasyon gayong nung Marso pa siya inilunsad. Pero nakalabas na siya sa mga programang Okay Fine Whatever, Tara Tena, Home Along Da Riles, MTB, ASAP, BKK at marami pa.

Marami nang nagagawang komersyal si Jill nang maimbitahan siya ng isang taga-Dos na magpa-VTR. Nagdalawang isip pa siya pero pumayag siya.

Kumakanta siya, sumasayaw, hindi lamang ng mga modernong sayaw kundi maging ng ballet. Dalawang taon lamang siya nang magsimula siyang mag-aral nito. Ang kanyang lola na si Amelia Garcia Yulo ang nagtuturo sa kanya. Si Amelia na ina ng kanyang ama ay great granddaughter ni Narcisa Rizal, kapatid ng ating dakilang bayani. Kaya si Jose Rizal ay great grandfather niya.

"Naaalala ko po na kapag birthday ni Jose Rizal ay nasa Luneta kami, ang buong pamilya namin dahil ang lola ko ang nagka-cut ng ribbon sa harap ng rebulto ni Rizal. Yung youngest brother ko nga po ay look alike ng ating National Hero," sabi ni Jill.

Thirteen years old pa lamang si Jill pero, sa December 8, Niños Inocentes, ay 14 na siya.

Pangarap niyang maging international star tulad ng kanyang mga idolong sina Donita Rose at Lea Salonga.
*****
Kung mayro’n mang mayor sa Metro Manila na mabilis maging kaibigan ng entertainment press, ito ay walang iba kundi ang Mayor ng Navotas na si Toby Tiangco. Love siya ng movie press dahil walang humpay ang paglaban niya sa mga pirata sa kanyang lugar sa Navotas na ipinagmamalaki niya na maging isa nang ganap na lungsod sa 2004. Di tulad ng maraming lugar sa Metro Manila na talaga namang talamak ang pagbibenta ng pirated tapes, may makalusot mang pirata sa Navotas, sasandali lamang, agad itong nahuhuli.

Masipag na lingkod bayan si Mayor Toby. Bagaman at pabahay ang prayoridad niya, unti-unti ay nalulutas niya ang pagbaha sa kanyang lugar. Mayro’n nang isang barangay na di binabaha sa Navotas, ang Brgy. Bangkulasi. Isusunod na niya ang Tanza.

Ipinagmamalaki rin niya na manageable ang krimen sa Navotas, ang mga involved sa drugs ang pinaka-maraming nahuhuli. Kaya kinikilalang Best Anti-Drug Abuse Council at Best Municipal Peace & Order Council ang Navotas.

Sa maniwala kayo sa hindi, wala nang nakahubad sa Navotas, dahil hinuhuli sila kapag lumabas sa publikong lugar na walang damit. Lahat ng naka-motor ay naka-helmet at ang pedestrian lane, ginagamit na ng mga tao.
*****
Habulin n’yo si Regine Velasquez sa OnStage Greenbelt. May palabas pa ang Songbird Sings Streisand sa Dec. 19 at 20.

Kung maganda man ang palabas ng tinataguriang Asia’s Songbird, ito ay dahilan sa kanyang magaling na production team na kinabibilangan ng kanyang kapatid na si Cacai, Ma. Carmencita V. Mitra na siyang tumatayong Prod. Mgr. Ang isa pa niyang kapatid na si Diana V. Roque ay personal assistant niya naman at si Maria del Rosario J. Garcia ang kanyang road manager.

Sa technical side, backed up siya ng isang napakahusay na grupo, simula kay Raul Mitra na tumatayong musical director, Manuel Adela, keyboardist, Niño Regalado, drummer 2, Ferdinand Faustino, drummer 1, Cesar Aguas, gitarista, Noel Mendez, guitar 2 at Socrates Mina, bassist. Back up singer sina Sushi Reyes, Cecilia Aurellado, Zebedee Zuñiga at Manolo Taquilut. Sound engineer si Renato Cruz, lighting director si John Batalla at stage manager si Epoy Isorena.

Show comments