Maaaring hindi nanalo sa SFAN si Mark pero katulad ni Sarah ay parang naka-takda rin itong maging isang sikat na mang-aawit.
Ang self-ttitled album niya ay nagtataglay ng12 awitin ("Ngayon at Kailanman", "Akoy Maghihintay", isang duet nila ni Sarah, "Baliw", "Kapag Akoy Kailangan", "Another Chance", "Sayang Naman", "One Girl", "Lahat Sa Buhay Ko", mga revivals na "Will You Still Love Me Tomorrow", "Out Here On My Own" , "Lost Without Your Love" at "Power of Love").
Magsisimula ng isang serye ng mall tour si Mark para sa promosyon ng album.
Bagaman at talagang magkaibigan lamang sila ni Sarah ngayon, marami na silang tagahangang dalawa. May isa pa ngang nag-text sa kanya para lamang magtanong kung bakit parang ayaw sa kanya ni Sarah.
"Hindi naman siguro ayaw, siguro ayaw lamang niyang inili-link kaming dalawa. Unang una ay dahilan sa mga bata pa kami (20 taong lang siya) at 14 si Sarah) at mayron kaming mga careers na dapat asikasuhin. But shes a good friend, hindi siya mahirap mahalin," ani Mark na tulad ni Sarah ay di makapaniwala sa tinatamasa niyang popularidad ngayon.
Mag-isa lamang si Mark dito sa Maynila nung una. Ang kanyang buong pamilya ay nasa Cagayan de Oro. Mabuti na lamang at mayron siyang lolo na nakita rito at siyang kasama niya ngayon sa bahay.
Dahilan sa bago pa lamang siya kung kaya payak pa ang mga pangarap ni Mark. Ang gusto lamang niya ay makalabas sa programang SOP at maka-duet si Lani Misalucha.
Maliit pa ang kanyang kinikita kaya malamang nakakasabay nyo siya sa jeep o kaya ay sa MRT dahilan sa dyan lamang siya nakatira sa Kamias.
Matipid siya. Itinatago niya ang kanyang pera at naglalabas lamang para bumili ng damit at ilang pangangailangan lalo na kapag may show siya. Nagpapadala rin siya ng tulong sa kanyang pamilya sa probinsya.
"Sila ang dahilan kaya ako kumakanta ngayon. Gusto ko silang matulungan. Pero bukod dito, talagang hilig ko ang kumanta," ang sabi pa ng mahiyain at baguhang singer.
"May taping po ako ng Berks at Myx at may rehearsal pa po sa ASAP," paliwanag niya. Siya ang bagong VJ ng MYX sapagkat di raw nag-renew ng kontrata si Heart Evangelista. Mayron pa rin siyang bagong palabas sa Studio 23, ang Wazzup Wazzup! kasama ang Jaboom Twins at si Vhong Navarro.
Multi-talented ang baguhang ito sa showbiz na anak ni Pinky Marquez. Iisang taon pa lamang siya pero malayo agad ang kanyang narating.
Bukod sa pag-arte at pagkanta, marunong ding tumugtog ng piano, gitara at drums si Karel. Sumusulat din siya ng kanta.
Ang Parade of Stars ay magsisimula sa Dis. 18, 10 n.u sa San Fernando, Pampanga. Disyembre 29, Cagayan de Oro City; Disyembre 22, Cebu at Disyembree 24, Roxas Blvd., Mla.