^

PSN Showbiz

Pangarap ni Mark Bautista:Makalabas lang sa SOP at maka-duet si Lani

- Veronica R. Samio -
Hindi na basta-basta lamang ka-duet ni Sarah Geronimo ngayon si Mark Bautista. Katulad ng grand prize winner ng Star For A Night, isa na ring recording artist ang isa sa mga nakalaban niya sa grand finals at ka-duet sa ilang songs sa kanyang 2nd and Christmas albums.

Maaaring hindi nanalo sa SFAN si Mark pero katulad ni Sarah ay parang naka-takda rin itong maging isang sikat na mang-aawit.

Ang self-ttitled album niya ay nagtataglay ng12 awitin ("Ngayon at Kailanman", "Ako’y Maghihintay", isang duet nila ni Sarah, "Baliw", "Kapag Ako’y Kailangan", "Another Chance", "Sayang Naman", "One Girl", "Lahat Sa Buhay Ko", mga revivals na "Will You Still Love Me Tomorrow", "Out Here On My Own" , "Lost Without Your Love" at "Power of Love").

Magsisimula ng isang serye ng mall tour si Mark para sa promosyon ng album.

Bagaman at talagang magkaibigan lamang sila ni Sarah ngayon, marami na silang tagahangang dalawa. May isa pa ngang nag-text sa kanya para lamang magtanong kung bakit parang ayaw sa kanya ni Sarah.

"Hindi naman siguro ayaw, siguro ayaw lamang niyang inili-link kaming dalawa. Unang una ay dahilan sa mga bata pa kami (20 taong lang siya) at 14 si Sarah) at mayro’n kaming mga careers na dapat asikasuhin. But she’s a good friend, hindi siya mahirap mahalin," ani Mark na tulad ni Sarah ay di makapaniwala sa tinatamasa niyang popularidad ngayon.

Mag-isa lamang si Mark dito sa Maynila nung una. Ang kanyang buong pamilya ay nasa Cagayan de Oro. Mabuti na lamang at mayro’n siyang lolo na nakita rito at siyang kasama niya ngayon sa bahay.

Dahilan sa bago pa lamang siya kung kaya payak pa ang mga pangarap ni Mark. Ang gusto lamang niya ay makalabas sa programang SOP at maka-duet si Lani Misalucha.

Maliit pa ang kanyang kinikita kaya malamang nakakasabay nyo siya sa jeep o kaya ay sa MRT dahilan sa dyan lamang siya nakatira sa Kamias.

Matipid siya. Itinatago niya ang kanyang pera at naglalabas lamang para bumili ng damit at ilang pangangailangan lalo na kapag may show siya. Nagpapadala rin siya ng tulong sa kanyang pamilya sa probinsya.

"Sila ang dahilan kaya ako kumakanta ngayon. Gusto ko silang matulungan. Pero bukod dito, talagang hilig ko ang kumanta," ang sabi pa ng mahiyain at baguhang singer.
* * *
Maagang nagdiwang ng kanyang 17th birthday si Karel Marquez, December 21 ang kanyang kapanganakan pero, nag-celebrate siya kahapon (December 12) dahilan sa marami siyang trabaho sa araw mismo ng kanyang birthday.

"May taping po ako ng Berks at Myx at may rehearsal pa po sa ASAP," paliwanag niya. Siya ang bagong VJ ng MYX sapagkat di raw nag-renew ng kontrata si Heart Evangelista. Mayro’n pa rin siyang bagong palabas sa Studio 23, ang Wazzup Wazzup! kasama ang Jaboom Twins at si Vhong Navarro.

Multi-talented ang baguhang ito sa showbiz na anak ni Pinky Marquez. Iisang taon pa lamang siya pero malayo agad ang kanyang narating.

Bukod sa pag-arte at pagkanta, marunong ding tumugtog ng piano, gitara at drums si Karel. Sumusulat din siya ng kanta.
* * *
Napili na ang pitong pelikula na sabay-sabay na ipalalabas sa araw ng Pasko. Ito ang Mano Po 2 ng Regal, Captain Barbell ng Premiere, Crying Ladies ng Unitel, Fantastik Man ng MZET at Octo-Arts Films, Filipinas ng Viva Films. Malikmata ng Canary Films at Homecoming. Ang dalawang naiwang pelikula, ang Bridal Shower ng Seiko Films at Gagamboy ng MacQ ay sa Enero 1 ipalalabas pero, kasali rin sila sa Metro Manila Film Festival.

Ang Parade of Stars ay magsisimula sa Dis. 18, 10 n.u sa San Fernando, Pampanga. Disyembre 29, Cagayan de Oro City; Disyembre 22, Cebu at Disyembree 24, Roxas Blvd., Mla.

ANG PARADE OF STARS

ANOTHER CHANCE

BRIDAL SHOWER

CANARY FILMS

CAPTAIN BARBELL

CRYING LADIES

KANYANG

LAMANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with