Hindi ito itinanggi ni Angelica at sinabing wala namang masama kung ligawan siya ni Bok. Nakausap namin the other day si Bok at inamin niyang attracted siya sa nakasisilaw na kaputian ni Angelica.
Hinangaan daw niya ang prinsipyo ng dalaga nang pangatawanan nito ang hindi pagtanggap sa bold roles, despite fame and fortune na posibleng mapasakanya kung pumayag lang magpa-sexy sa pelikula. Hindi niya inamin at hindi rin itinanggi kung balak talaga niyang ligawan si Angelica.
Sa pitong kasama ng all-male sing and dance group at recording artists ng Universal Records, si Bok sa pagkakaalam namin ang nakatapos ng kursong Dentistry at may dental clinic siyang pinamamahalaan na nasa Alabang Town Center.
Namomroblema nga siya dahil sa hectic schedule ng grupo dahil siya ang hinahanap ng mga kliyente kahit may mga nakatalagang assistant na pwedeng umattend sa kanila.
"Hilig ko na po talaga ang pag-arte even in my formative years. Kasama na ako sa mga dramatic guilds mula sa high school hanggang sa mag-college na po ako. Im into martial arts and in fact, nakasama na ako sa isang Japanese film na kinunan dito sa atin, bilang isang stuntman.
"If and when dumating ang offers para gumawa ng movie, priority ko ang drama, comedy and then action, in that order. But for the meantime, naka-concentrate muna ako sa grupo namin.
"Financially rewarding po naman ang pagkakasama ko rito. Halos araw-araw ang booking namin at kung saan-saan kami nakakarating nationwide. Sana nga po magkaroon kami ng shows abroad, were all looking forward to that time na makalabas kami ng bansa." Ben Dela Cruz