Mataba na,angdami pang pimple ni young actress
December 11, 2003 | 12:00am
Maganda ang young actress na ito at magaling umarte kaya mabilis gumawa ng pangalan sa local showbiz. Pambato siya ngayon ng isang malaking network. Kinuha ng isang advertising agency ang sikat na young actress para mag-endorse ng isang cosmetic brand.
Hectic ang schedule ng aktres kaya nagpalusot ang manager ng aktres na mga photos na lang nito ang ipadala pati ang video clips ng soap opera na kasali ito. Kahit di nila nakita ang artista ng personal ay pumayag ang advertising agency. Makinis naman ang kutis nito.
Nagkaroon ng problema nang simulan na ang pictorial para sa produkto. Nagulat ang mga advertisers nang makita nila in person ang sikat na aktres. Marami pala itong maliliit na pimples at may katabaan pa. Baby fat, dahil bata pa ito.
Tinakpan na lang nila ng makapal na foundation ang mga pimples nito. Lumabas pa rin ang mga tagihawat nito kaya inangguluhan na lamang nila ito.
Wala nang nagawa ang advertisers dahil napasubo na sila. Nagkaroon sila ngayon ng leksyon na next time na kukuha sila ng commercial model na mag-iindorso pa naman ng make-up ay dapat muna nilang makita nang personal ang artista.
Halos maubos ang luha ni Hilda Koronel sa kaiiyak sa Crying Ladies at tunay na luha ang mga ito. Hinuhugot nito ang tamang emosyon sa mga nakaraang karanasan sa buhay. Ito ang itinuro sa kanya ng yumaong si Lino Brocka.
Hindi naman nagsisisi si Hilda sa lahat ng nangyayari sa buhay niya. Lahat ng pagsubok ay nakaya niya at nagsilbing hamon para maging matibay siya.
May boyfriend ngayon si Hilda na nagngangalang Ralph. Ito ang ika-limang lalaki sa kanyang buhay. Wala nang planong magbuntis uli ang premyadong aktres. Para sa kanya, tama na ang bunso niyang si Diego.
Naikwento ni Maricel Soriano na malaki ang paghanga niya kay Sarah Geronimo. Kapag nagpapahinga sila sa shooting ng Filipinas ay hinihilingan niya itong umawit. Nakita niya na hindi lang ito magaling umawit, mahusay ding umarte. Magkasama sina Maria at Sarah sa pelikulang Filipinas.
Maraming nakapuna na ibang-iba na ngayon si Maria. Hindi na ito nambabara kapag hindi nagugustuhan ang mga tanong ng ibang reporter. Lagi itong nakangiti at malumanay na kung magsalita. Class na rin itong magdamit. Malaki ang naitulong ng kanyang manager na si Wyngard Tracy para matutukan ang pananalita, pagdadala ng damit at wastong pagkilos ng kanyang mga alaga.
Sa tunay na buhay ay inamin ni Maria na mapagkalinga siya sa lahat ng mga kapatid lalo na sa kanyang ina.
Kasama si Rayver Cruz sa pelikulang Mr. Suave bilang kapatid ni Vhong Navarro. Gwapo ang binatilyo at magaling ding umarte. Mabigyan lang ng tamang break ay baka makakuha rin ito ng acting award someday.
Suportado ng Dos si Rayver. Kasama ito sa ASAPMania, Klasmeyts at once a week sa Magandang Tanghali Bayan. Magaling itong umawit kaya hindi nababakante sa mga out-of-town shows. Nanggaling naman kasi ito sa sa pamilya ng mga Cruz na magagaling na singers.
Nagsimula ang mestisong binatilyo sa komersyal noong anim na taong gulang hanggang maging mainstay ng Best Frends. Nakailang pelikula na rin ito sa Star Cinema.
Ang black light theater sa pamamagitan ng GLOW ay narito na sa ating bansa-isang musical experience na gumagamit ng kakaibang teknolohiya ng black light. Itoy nagsimula sa Czech Repulic noong early 60s gamit ang ultraviolet o black light kung saan ang mga aktor ay nakadamit ng itim na suot ang kanilang costumes. Binigyan kami ng pahapyaw na panoorin kung saan ang mga aktor na nakasuot ng itim ay naiilawan ng ibat ibang kulay at nago-glow ang mga karakter sa dilim.
Ang GLOW ay isang musical presentation ng Power Dance sa direksyon ng world-class choreographer na si Douglas Nierras at musical director naman si Aji Manalo. Itoy mapapanood sa Onstage sa Disyembre 15, 16, 22, 23, 29 at 30 sa ganap na 7:30 ng gabi.
Hectic ang schedule ng aktres kaya nagpalusot ang manager ng aktres na mga photos na lang nito ang ipadala pati ang video clips ng soap opera na kasali ito. Kahit di nila nakita ang artista ng personal ay pumayag ang advertising agency. Makinis naman ang kutis nito.
Nagkaroon ng problema nang simulan na ang pictorial para sa produkto. Nagulat ang mga advertisers nang makita nila in person ang sikat na aktres. Marami pala itong maliliit na pimples at may katabaan pa. Baby fat, dahil bata pa ito.
Tinakpan na lang nila ng makapal na foundation ang mga pimples nito. Lumabas pa rin ang mga tagihawat nito kaya inangguluhan na lamang nila ito.
Wala nang nagawa ang advertisers dahil napasubo na sila. Nagkaroon sila ngayon ng leksyon na next time na kukuha sila ng commercial model na mag-iindorso pa naman ng make-up ay dapat muna nilang makita nang personal ang artista.
Hindi naman nagsisisi si Hilda sa lahat ng nangyayari sa buhay niya. Lahat ng pagsubok ay nakaya niya at nagsilbing hamon para maging matibay siya.
May boyfriend ngayon si Hilda na nagngangalang Ralph. Ito ang ika-limang lalaki sa kanyang buhay. Wala nang planong magbuntis uli ang premyadong aktres. Para sa kanya, tama na ang bunso niyang si Diego.
Maraming nakapuna na ibang-iba na ngayon si Maria. Hindi na ito nambabara kapag hindi nagugustuhan ang mga tanong ng ibang reporter. Lagi itong nakangiti at malumanay na kung magsalita. Class na rin itong magdamit. Malaki ang naitulong ng kanyang manager na si Wyngard Tracy para matutukan ang pananalita, pagdadala ng damit at wastong pagkilos ng kanyang mga alaga.
Sa tunay na buhay ay inamin ni Maria na mapagkalinga siya sa lahat ng mga kapatid lalo na sa kanyang ina.
Suportado ng Dos si Rayver. Kasama ito sa ASAPMania, Klasmeyts at once a week sa Magandang Tanghali Bayan. Magaling itong umawit kaya hindi nababakante sa mga out-of-town shows. Nanggaling naman kasi ito sa sa pamilya ng mga Cruz na magagaling na singers.
Nagsimula ang mestisong binatilyo sa komersyal noong anim na taong gulang hanggang maging mainstay ng Best Frends. Nakailang pelikula na rin ito sa Star Cinema.
Ang GLOW ay isang musical presentation ng Power Dance sa direksyon ng world-class choreographer na si Douglas Nierras at musical director naman si Aji Manalo. Itoy mapapanood sa Onstage sa Disyembre 15, 16, 22, 23, 29 at 30 sa ganap na 7:30 ng gabi.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am