Jeturian,mayabang sa kanyang pelikula
December 10, 2003 | 12:00am
Worth it naman ang pangyayaring matagal hinintay ang pagtatapos ng shooting ng Bridal Shower ng Seiko Films, na hanggang sa sinusulat ito ay minamadali sa dubbing para umabot sa deadline na itinakda ng Metro Manila Film Festival Committee.
Tatlong babae na naghahanap ng kanilang Mr. Right ang istorya ng pelikula. Hindi naging madali para sa kanila na hanapin ang lalaking iibigin nila. Sina Cherrie Pie Picache, Francine Prieto at Dina Bonnevie ay mga advertising executives, matagumpay sa kanilang trabaho pero may duda sa kanilang lovelife.
Sex comedy ang movie pero, mas gusto ng direktor nito na si Jeffrey Jeturian na tawagin itong "comedy of manners". Ibig sabihin, meron mang sex at nudity pero binigyan niya ito ng ibang atake para mapaiba sa mga una niyang ginawa, ang Pila Balde at Tuhog na napansin sa local at international award-giving bodies.
Mas maraming sexy scenes ang Bridal Shower at tiniyak niya na ibubuhos ng kanyang mga artista ang kakayahan nila sa pag-arte. "Kung kinakailangan na higitan ang huli nilang performance, mas maganda," dagdag pa ni Jeffrey.
Bibihirang gumawa ng pelikula si Jeffrey Jeturian at sa Bridal Shower ay tila na-possess siya sa ganda ng script at pati sa mga artista niya na siya mismo ang pumili.
"Kakaiba ang pelikula sa maraming bagay. Hindi ako nag-pyrotechnics, special effects.
"Di rin ako pumunta sa ibang bansa para mag-shooting at kung anu-ano pa. Panoorin nyo na lang kung ano ang ibig kong sabihin," pagtatapos niya.
May isasagawang fundraising ang National Press Club sa pamumuno ng pangulo nitong si Antonio Antonio para sa kapakanan ng mga datihan na at kasalukuyang kasapi ng NPC para ngayong Pasko sa Lunes, Disyembre 15 sa NPCs Bulwagang Plaridel.
Magiging performer sina Roman Floresca at Joven Custodio ng Phil. Star, Louie Logarta ng Tribune, Dennis Fatalino at Marivic Balatbat ng Peoples Journal, Patoks Tracy Cabrera, Todays Mercedes Rullan, Aileen Respicio, Yoyoy Alano, Cas Navarro, Annie Laborte, Mabeth Cruz ng Tradewind, Al Pedroche ng Pilipino Star, Nonoi Cambongga at Rolando Antiporda ng NPC.
Magiging special guests sina Rico J. Puno, John Lesaca at Dulce. Musical director si Cathy Melendrez Castañeda at stage director si Marinez Elizalde.
Showtime is 8 pm.
Tickets are available sa NPC 3010521/ 3010522 / 5270177
Tatlong babae na naghahanap ng kanilang Mr. Right ang istorya ng pelikula. Hindi naging madali para sa kanila na hanapin ang lalaking iibigin nila. Sina Cherrie Pie Picache, Francine Prieto at Dina Bonnevie ay mga advertising executives, matagumpay sa kanilang trabaho pero may duda sa kanilang lovelife.
Sex comedy ang movie pero, mas gusto ng direktor nito na si Jeffrey Jeturian na tawagin itong "comedy of manners". Ibig sabihin, meron mang sex at nudity pero binigyan niya ito ng ibang atake para mapaiba sa mga una niyang ginawa, ang Pila Balde at Tuhog na napansin sa local at international award-giving bodies.
Mas maraming sexy scenes ang Bridal Shower at tiniyak niya na ibubuhos ng kanyang mga artista ang kakayahan nila sa pag-arte. "Kung kinakailangan na higitan ang huli nilang performance, mas maganda," dagdag pa ni Jeffrey.
Bibihirang gumawa ng pelikula si Jeffrey Jeturian at sa Bridal Shower ay tila na-possess siya sa ganda ng script at pati sa mga artista niya na siya mismo ang pumili.
"Kakaiba ang pelikula sa maraming bagay. Hindi ako nag-pyrotechnics, special effects.
"Di rin ako pumunta sa ibang bansa para mag-shooting at kung anu-ano pa. Panoorin nyo na lang kung ano ang ibig kong sabihin," pagtatapos niya.
Magiging performer sina Roman Floresca at Joven Custodio ng Phil. Star, Louie Logarta ng Tribune, Dennis Fatalino at Marivic Balatbat ng Peoples Journal, Patoks Tracy Cabrera, Todays Mercedes Rullan, Aileen Respicio, Yoyoy Alano, Cas Navarro, Annie Laborte, Mabeth Cruz ng Tradewind, Al Pedroche ng Pilipino Star, Nonoi Cambongga at Rolando Antiporda ng NPC.
Magiging special guests sina Rico J. Puno, John Lesaca at Dulce. Musical director si Cathy Melendrez Castañeda at stage director si Marinez Elizalde.
Showtime is 8 pm.
Tickets are available sa NPC 3010521/ 3010522 / 5270177
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended