Ang ending ay hindi na isinama sa hawak na programa ng EP ang mestisang young actress. Galit ang ina nito at ang reporter na tumatayong PRO ng actress sa EP dahil sa nangyari.
Hindi ba dapat ay hindi nangungutang ang isang EP lalo na sa kanyang mga artista para hindi mawala ang respeto nila sa kanya?
Magiging fair ang pagboto kaya next week ay malalaman na ang pitong entries ng MMFFP na ipalalabas sa December 25 at ang dalawa pang entries na sa January 1 naman mapapanood. "Hindi naman ibig sabihin na kapag nalagay ang pelikula sa dalawang entries ay saling pusa na ang mga ito. Lahat ng mga pelikula ay magaganda at makabuluhan," ani Mayor Malonzo.
Inaasahan nang magiging maintriga na naman ito after the selection kung saan by ranking ang sistemang gagawin sa pagpili ng 7 at 2 entries.
Sinabi pa ni Mayor Malonzo na vice-overall chairman ng Film Festival na di maiiwasan na magkaroon ng intriga pero okay lang dahil nakakatulong pa raw ito para pag-usapan ang MMFF.
Ang siyam na pelikulang pagpipilian ng selection committee para sa 7/2 entries ay ang mga sumusunod: Mano Po 2, Filipinas, Fantastic Man, Captain Barbell, Gagamboy, Homecoming, Malikmata, Crying Ladies at Bridal Shower.
Paano ba makatrabaho ang aktor? tanong namin.
"Mabait siya Tita at di siya marunong magalit. Kapag mayroong nagkamali sa amin ay pinagsasabihan niya pero never niyang sinisigawan," sabi ni Princess.
Nagsimula si Princess bilang commercial model noong four years old. Nang mag-audition ito noon sa Channel 2 sa gulang na siyam na taon ay natanggap agad ito. Nag-undergo ito ng acting workshop kay Beverly Vergel. Kaya naman noong 2000 ay nanalo ito bilang Best Actress In A Single Performance sa TV para sa Pira-Pirasong Pangarap kung saan ginampanan ang papel ng isang rape victim na ginahasa ng amang si Bembol Roco.
Graduating na ito sa haiskul sa Espiritu Santo Parochial School.
Gusto niyang sumabak sa aksyon balang araw dahil marunong ang dalagita ng taekwondo.
"Nakakapag-adjust na naman ako at talagang nag-eenjoy ngayon kasama si Michael V. Maganda ang format ng show dahil may halong kantahan, katatawanan sa mga iniinterbyu naming celebrities hindi lang sa showbiz kundi gayundin sa ibat ibang sektor ng lipunan," aniya.